Friday, February 22, 2013

2nd AYG, itinakda sa Agosto

Pagbabatayan ni Asian Youth Games Chef de Mission Nathaniel “Tac” Padilla ang nakaraang resulta at minimum qualifying scores bilang isa sa mga criteria sa pagpili ng pambansang atleta na ilalahok sa kada apat na taong torneo na gagawin sa Nanjing, China sa daratiing na Agosto 16 hanggang 24.


Sinabi ni Padilla na optimistiko ang kabuuang 15 national sports association na kabilang sa paglalabanang sports sa torneo para sa edad 17 pababa na maiuwi ang unang gintong medalya ng bansa.


“We are using the result of the past Asian Youth Games and the minimum qualifying scores as our first basis of the criteria,” sinabi ni Padilla.


“Hopefully, we have some athletes that reached the maximum qualifying standard which means we have a good chance of winning gold medals,” giit pa ni Padilla sa isinagawang briefing sa Ultra kamakailan.


Isang pilak at isang tanso lamang ang nakubra ng Pilipinas sa paglahok sa unang edisyon ng torneo na isinasagawa sa Singapore noong 2009.


Ang pilak ay hinablot ni Stephanie Cimato sa girls’ javelin throw habang ang tanso ay napagwagian ni Jose Collins sa boys’ masters sa bowling.


“We will be sending only athletes that are deserving,” dagdag pa ni Padilla.


“It would be lean and mean,” sinabi pa nito.


Dumalo ang lahat ng kasaling national sports association sa isinagawang briefing kung saan inalam ni Padilla ang lahat ng mga pangangailangan ng mga ito at maging ang pagmumulan ng pondong gagamitin ng pambansang delegasyon para sa paghahanda at aktuwal na partisipasyon sa torneo.


“Everybody is enthusiastic pati na rin ang mga bagong saling sports na handball and rugby,” paliwanag ni Padilla.


“I think the delegation will be productive because the officials are very enthusiastic. I am happy to see also some of the athletes na nakasama ko sa national team campaign,” sambit pa ni Padilla.


Umabot sa kabuuang 61 katao ang degasyon ng Pilipinas sa unang AYG, kabilang ang 38 sa kalalakihan at 23 sa kababaihan na lumahok sa siyam na sports na may 90 events. Ang Pilipinas ay tumapos na nasa ika-18 puwesto.


Ang sports na paglalabanan ay ang aquatics, athletics, badminton, fencing, football, golf, judo, rugby, shooting, squash, table tennis, tennis at weightlifting. – Angie Oredo







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment