Monday, February 25, 2013

Lopez, walang nagawa kay Nishikori

MEMPHIS, Tenn. (AP) – Naglaro nang pinakamabisa si Kei Nishikori na sadyang inakala ni Feliciano Lopez na matatapatan ng 23-anyos at Japanese player nang eksakto ang kanyang mga galaw at tikada.


Ginamit ni Nishikori ang kanyang bilis upang mapasakamay ang kanyang ikatlong career title at ikalawa simula pa noong Oktubre, tinalo si Lopez ng Spain, 6-2, 6-3, sa US National Indoor Championships sa The Racquet Club.



‘’I knew he was a great player obviously, but he played in a way that I could not play my game I think,’’ pahayag ni Lopez. ‘’He was very, very fast so I didn’t find the way to be aggressive and to attack basically, which is the way I have to play, and I couldn’t do it at all because he was always there. He knew where I was going to be, and he was there waiting sometimes.’’


Nangailangan lamang si Nishikori ng 67 minuto upang mapalakas sa 3-2 sa finals. Napagwagian nito ang kanyang unang career title sa Delray Beach noong 2008, at agad na sinundan upang maging unang Japanese winner sa Tokyo Open noong Oktubre at pasimulan ang 11-2 sa taon na ito na may isa pang titulo.


Hindi isinaisip ni Nishikori ang anumang kaganapan sa laro nang tanungin kung nababasa ba nito ang mga galaw ni Lopez sa korte.


‘’Guess I was reading his serve,’’ saad ni Nishikori. ‘’Yeah, he was hitting good serves and good percentage, but I was hitting really good and everything goes well.’’


Seeded fifth, si Nishikori ay ang natatanging seed na umentra sa nasabing laro sa linggong ito. Tumapos ito sa torneo na walang naunsiyaming set upang tanggapin ang $291,800 winner’s check, kung saan ay umaasa itong aakyat mula sa No. 22 sa ATP rankings patungo sa No. 16.


‘’It is such a big step for me to win these tournaments, and yeah 500 (points), that’s big for me now,’’ giit pa ni Nishikori hinggil sa inaasahang ranking points. ‘’Try to be top 10, that’s my goal this year. It is important to win big points like this, and I think it’s a good start … I have a lot of things to do of course but yeah, it’s a good start.’’


Napagtagumpayan naman nina Bob at Mike Bryan, ang top seeds, ang kanilang ika-85 career doubles title nang pataubin sina James Blake at Jack Sock, 6-1, 6-2.


Target naman ni Lopez, dinispatsa si Nishikori noong Abril 2011 sa Barcelona sa clay, ang kanyang sariling ikatlong career ATP title at una simula pa sa Johannesburg noong Pebrero 2010. Sa edad na 31, naglaro si Lopez sa kanyang ikawalong career final na may tsansang maging pinakamatandang manlalaro na magwagi sa tour sa season na ito. Ang panalo ang magdadala sa kanya sa top 30 sa rankings mula sa No. 47 sa pagsisimula ng linggong ito.


Pinangunahan ng Spaniard ang torneo na mayroong 38 aces, kasama na ang walo sa final. Ngunit nagkaroon ito ng tatlong double-faults at nagawang manalo lamang ng natatanging 16 percent (3-of-19) sa puntos sa kanyang ikalawang serve.


Hinadlangan ni Nishikori si Lopez ng dalawa sa unang tatlong service games ng Spaniard upang umakyat





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/26/lopez-walang-nagawa-kay-nishikori/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment