Iniulat ng Liberal Party (LP) na aabot sa halos P2 milyon ang halaga ang nagastos ng partido sa isinagawang proclamation rally sa Plaza Miranda, sa Quiapo, Manila noong Pebrero 12.
Ang proclamation rally ay kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa mga senatorial at party list candidate.
Batay sa “Statement of Expenses on Public Rally” na isinumite ng LP sa Commission on Elections (Comelec), nabatid na ang nasabing halaga ay sumasakop sa “staging and production” ng rally.
Kabilang umano sa kanilang binayaran ay ang Creative Synergy, Inc. na nagkakahalaga ng P945,560 para sa staging at logistics at P945,560 sa production.
Kasama sa mga senatorial bet ng LP sina Sen. Chiz Escudero, Sen. Loren Legarda, Rep. Juan Edgardo Angara, Grace Poe-Llamanzares, Bam Aquino, dating Senador Jamby Madrigal, dating Senador Ramon Magsaysay Jr., Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Antonio Trillanes IV, Rep. Cynthia Villar, dating Party-list Rep. Riza Hontiveros, at Sen. Koko Pimentel. – Mary Ann Santiago
Related Posts:
- LP senatorial bets, kumpleto na
- LP senatorial bets piniga, sinala
- 27 senatorial bet, pinayagan; 57 iba pa, ipatatawag ng…
- Labanan ng koalisyon, magiging matindi
- Loren, Chiz nangunguna sa survey
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment