Friday, February 22, 2013

PAGBABALIK-TANAW

Matagal na iyon. Hindi ko na matandaan ang huling pagkakataon na ako ay dumalo sa reunion o muling pagtitipn-tipon ng aming mga kaklase sa Mapa High School.


At ayaw kong alalahanin ang naturang okasyon, lalo na ang isang eksena na tunay na makapanindig-balahibo na nagbabadya ng pamamaalam upang hindi na muling magkita-kita. Marami na ang nagtataglay ng iba’t ibang karamdaman.



Totoo na ang lahat ng reunion ay lagi nang pinananabikan ng lahat – mga miyembro ng pamilya, magkakaibigan at lalo na ng mga magkakamag-aral. Ito ang pinakamaganda at madamdaming pagkakataon ng kumustahan at paggunita sa panahon ng pag-aaral na maaaring batbat ng kabiguan at kaligayahan. Sa isang nakaraang reunion, halimbawa, dumalo ang isang kaklase na nagtapos ng medisina sa US. Nakapagpatayo siya ng isang klinika. Siyempre, malaki ang kanyang kinikita at siya ang sumagot ng halos lahat ng gastos sa aming reuinon. Kasama rin sa okasyon ang isa namang kamag-aral na gumanda ang negosyo sa Australia. Naroroon din ang ibang kaklase na nakapagtapos naman ng iba’t ibang kurso tulad ng abugasya, accountancy, medisina, journalism at iba pa.


Masaya at naging madamdamin ang reunion. Sa pamamagitan ng master of ceremonies (MC), isa-isang tinawag ang mga dumalo at binigyan ng pagkakataong gunitain naman ang isang makulay na kabanata sa kanilang buhay – mga karanasang hindi malilimutan sa buhay, mga taglay na karamdamang kaakibat ng pagiging senior citizens, at iba pa.


Sa katapusan ng programa, buong taimtim na hiniling ng MC na tumindig ang lahat at banggitin ang aming mga pangalan. “Umusal tayo ng maikling panalangin para sa katahimikan ng kaluluwa ng ating yumaong mga kamag-aral,” gumaralgal ang tinig ng MC.


Mula noon, tila ayaw ko nang dumalo sa aming reunion.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment