Monday, February 25, 2013

Pope Benedict: Salamat sa inyo

VATICAN CITY (AP) – Ibinigay ni Pope Benedict XVI ang kanyang huling Sunday blessings bilang papa mula sa bintana ng kanyang studio sa harap ng libulibong naghihiyawang katao na nangagtipon sa St. Peter’s Square.



Ngunit tiniyak sa mga mananampalataya na hindi niya inaabandona ang Simbahan sa kanyang pagreretiro sa kanyang huling mga taon sa pananalangin.


Ang 85-anyos na si Pope Benedict ay bababa sa puwesto sa Huwebes ng gabi, ang unang papa na nagretiro sa loob ng 600 taon, matapos sabihing masyado na siyang mahina para pamunuan ang 1.2 bilyong Katoliko.


Sinabi ni Pope Benedict sa mahigit 100,000 madla na tinatawag siya ng Diyos upang ialay ang kanyang sarili “even more to prayer and meditation,“ na gagawin niya sa isang monasteryo sa likod ng Vatican City.


“But this doesn’t mean abandoning the church,“ aniya, habang malungkot siyang pinagmamasdan ng mga tao. “On the contrary, if God asks me, this is because I can continue to serve it (ang Simbahan) with the same dedication and the same love which I have tried to do so until now, but in a way more suitable to my age and to my strength.“


May isa pang public appearance si Pope Benedict, ang general audience sa Miyerkules sa St. Peter’s Square.


Ngumiti si Pope Benedict sa madla matapos ihawi ng aide ang puting kurtina, sinabi sa mga tao na, “thank you for your affection.“


Umaambon nang umagang iyon sa Rome at basa ang square. Ngunit nang lumabas si Pope Benedict, sa tunog ng kampana pagpatak ng tanghali, nahawi ang ulap at lumantad ang asul ang kalangitan.


“We thank God for the sun he has given us,“ sabi ng Papa na masaya ang boses.


Wala pang petsang itinakda para sa pagsisimula ng conclave of cardinals, na pipili sa kanyang kahalili.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/26/pope-benedict-salamat-sa-inyo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment