Friday, February 22, 2013

Si Paul na ang una at huli kong mamahalin — Toni

ISANG nagpakilalang tagahanga ni Toni Gonzaga ang nakausap namin last Sunday sa The Buzz. Ayon sa magandang fan ng TV host/actress, narinig daw niya mula sa mga taong madalas nakakasama ni Toni na engaged na ito sa kasintahang si Direk Paul Soriano.



Toni Gonzaga More than five years nang magkasintahan ang dalawa, kaya hindi malayong naisipan na ng mga ito na magpakasal. Kaya nang matiyempuhan namin si Toni during commercial break ng show, diretsahan ang tanong namin sa kanya.


“Hindi po totoo. Wala pang naganap na ganyan. Tingnan n’yo, wala pa akong ‘engagement ring’,” mabilis na sagot ni Toni, sabay pakita sa amin ng dalawang kamay niya.


Pero si Direk Paul na nga ba ang magiging lifetime partner niya?


“Oo naman. Ako, gusto ko talaga na siya na ang una at huli kong mamahalin,” seryoso pero natatawang sagot ni Toni.


Umaasa si Toni na sa tulong ng Diyos ay kay Direk Paul na niya sasabihin ang ‘matamis na yes’ sa harap ng altar.


Kahit parehong busy sa kani-kanilang showbiz commitments ay pareho nilang nabibigyan ng oras ang isa’t isa, at hindi sila nagmamadaling magpakasal.


Paano kung naiinip na pala si Direk Paul at gusto na siyang yayaing magpakasal?


“Well, gawin na niya agad-agad!” napahalakhak na sagot ng dalaga.


Kung sakali mang gustuhin nang magpakasal ng dalawa ay may basbas na raw ito ng parents ni Toni.


“Anyway, 28 years old na naman ako. At may tiwala na sila sa akin. Alam na nilang kayang-kaya ko na rin namang bumuo ng sariling pamilya,” lahad pa rin ng host ng The Buzz at ng The Voice of the Philippines. –Jimi Escala







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment