Sunday, April 28, 2013

2-0, kukunin ng SMC; Alaska, babawi sa Game 2

Makuha ang 2-0 bentahe sa kanilang serye ang tatargetin ngayon ng defending champion San Mig Coffee sa muli nilang pagtutuos ng Alaska Aces sa Game Two ng kanilang best-of-seven semifinals series ng 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayon.



Bagamat nahirapan sa halos kabuuan sa Game One, itinala naman ni import Denzel Bowles ang huling anim na mahahalagang puntos para isalba ang Mixers kontra Aces, 71-69, noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.


“I’ve said this before: Denzel, he’s a big game guy, he’s a big moment guy,“ pahayag ni coach Tim Cone tungkol sa kanyang reinforcement.


Sa kabila ng kanilang panalo, hindi naman naitago ni Cone ang kanyang naging paghanga sa napakagandang depensa na inilatag ng Alaska kontra sa kanila.


“It wasn’t like we were missing open shots. Everything was just incredibly contested. It was the best defensive half I’ve been a part of in my 24 years of coaching,“ ani Cone.


Ngunit maliban kay Bowles, naroon din ang paghanga at respeto ni Cone sa iba pa niyang mga manlalaro, partikular kay James Yap na sinikap na makapagambag sa kanyang koponan sa kabila ng iniindang injury sa likod.


Kinakitaan sa pagsusuring ginawa sa kanya ng mga doktor ang paglaki o pamamaga ng kanyang “disk“, hindi nagatubili si Yap na lumaro at nakipagsabayn pa sa depensa sa Alaska rookie na si Calvin Abueva.


Kaya naman sa Game Two, ang dalawang nasabing manlalaro, sina Bowles at Yap, ang ilan sa muling aasahan ni Cone upang bigyang insprasyon at pangunahan ang kanilang mga kakampi sa panibagong matinding bakbakan kontra sa Aces.


Sa kabilang dako, tiyak namang gagawin ang lahat ni coach Luigi Trillo upang hindi sila mapag-iwanan ng dalawang laro sa serye. – Marivic Awitan




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/29/2-0-kukunin-ng-smc-alaska-babawi-sa-game-2/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment