Ni Mary Ann Santiago
Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. na mayroon silang nakahandang contingency plan sakaling may magtangkang gumamit ng signal jammers upang isabotahe ang eleksiyon sa Mayo 13.
Ayon kay Brillantes, bagamat maaaring maantala ay hindi naman umano tuluyang mapipigilan ng jamming devices ang buong transmission ng resulta ng eleksiyon.
Sa kabila nito, sinabi ni Brillantes na naghanda na ng plano ang Comelec kapag nagkaroon ng problema sa transmission ng election results.
Nabatid na ginagamit ang signal jammer upang harangin ang signal ng mga cellular tower at ng mga mobile phone, para mapigilan ang data transmission.
Ang naturang signal ang gagamitin ng Comelec upang mai-transmit ang resulta ng halalan.
“The only adverse effect of jamming is it will delay the transmission. It will not stop the transmission; it will only delay for a few hours at most. Hindi naman puwedeng naka-jamming ‘yan all the time,” sabi ni Brillantes.
Siniguro rin ni Brillantes na maaaring i-transmit ng board of election inspectors (BEIs) ang election results nang ilang ulit kung kinakailangan dahil wala itong limitasyon.
“Walang limit ‘yan… we leave it to the discretion of the BEIs na kung gusto nilang…5-10 times okay lang,” ani Brillantes.
Maaari rin umanong gumamit ang Comelec ng satellite transmission o Broadband Global Area Network (BGAN) sa mga lugar na walang available cellular signal, gaya ng ginawa ng komisyon noong 2010.
Sakali namang magkaroon pa rin ng problema, maaari ring kunin ng mga BEI ang compact flash (CF) cards ng precinct count optical scan (PCOS) machine at ipadadala ang lamang data nito gamit ang ibang PCOS machine sa ibang presinto.
Maaari rin umanong direkta nang dalhin ang naturang CF cards sa municipal board of canvassers, kasama ang hard copy ng election returns (ER).
Sa ngayon, ayon kay Brillantes, ay sinusubukan na nilang imulat ang publiko laban sa mga signal jamming device, upang magdalawang-isip ang sinumang nais gumamit ng jammers.
Tiniyak rin ni Brillantes na patuloy ang surveillance ng militar at pulisya laban sa mga jammer.
Hindi rin nag-isyu ang National Telecommunications Commission (NTC) ng permit para sa pag-aangkat ng jammers.
Nagbabala rin si Brillantes na mahaharap sa mas mabigat na election offense ang sinumang mahuhuling gumagamit ng jammers.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/29/contingency-plan-kontra-signal-jamming/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment