MONTEVIDEO (AFP) – Namula si Uruguay President Jose Mujica nang marinig sa mikropono ang pagmumura niya sa kanyang Argentine counterpart na si Cristina Kirchner at sa yumaong asawa nito.
“This old hag is worse than the cross-eyed man,“ sabi ni Mujica na narinig ng lahat dahil bukas pala ang mikropono sa simula ng isang kumperensiya habang bumubulong sa isa pang opisyal.
Sinabi ng pahayagang El Observador, na naglabas ng audio sa website nito, na ang tinutukoy na `crosseyed man’ ni Mujica ay si Kirchners at hindi alam na gumagana na pala ang mga mikropono.
Si Nestor Kirchner ay namatay sa atake sa puso noong 2010 at nagkaroon ng lazy eye.
Mabilis na kumalat sa social media ang komento. Makalipas ang isang oras, sinabi ni Mujica sa online version ng pahayagang La Republica na hindi siya nagsalita tungkol sa Argentina at wala siyang kailangang linawin.
Ngunit binatikos ni Argentine Foreign Minister Hector Timerman ang komento na “unacceptable“ at “denigrating,“ idinagdag na ininsulto niya ang isang taong namayapa na.
Si Mujica, 77, dating guerrilla, ay naupo sa puwesto noong 2010. Si Nestor Kirchner ay pangulo ng Argentina mula 2003 hanggang 2007. Pinalitan siya ng kanyang asawang si Cristina at muling nahalal noong 2011.
Related Posts:
- Ikalawang termino
- Marijuana for sale sa Uruguay
- NATIONAL DAY NG ARGENTINA NGAYON
- Uruguay government, magbebenta ng marijuana
- Kerida, pakakasalan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/07/uruguay-president-sumabit-sa-komento/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment