Tuesday, May 14, 2013

2 menor, arestado sa panloloob

CAMILING, Tarlac ­- Limang katao, kabilang ang dalawang menor de edad ang inaresto ng pulisya makaraang pasukin at pagnakawan ang isang bahay sa Gomez Street, Poblacion B sa Camiling, Tarlac, kamakailan.


Ayon kay PO3 Daniel Suelen, ang dinakip ay sina Robert Adriano, 20; Christian Mallo, 23; isang Jonalyn, 18, isang 15-anyos na babae at isang 15-anyos na lalaki, na pawang residente ng Cacamilingan Norte, Camiling, Tarlac.



Pinasok ng mga suspek ang bahay ni Quintina Tabelisma, 77, biyuda, ng Gomez Street, Barangay Poblacion B, at nakakulimbat ang P20,000 cash, at iba’t ibang alahas na aabot sa mahigit P20,000.


Sinabi ni Suelen na nasamsam din mula kina Adriano at Mallo ang dalawang transparent plastic sachet na may 0.055 gramo ng hinihinalang shabu. – Leandro Alborote




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/15/2-menor-arestado-sa-panloloob/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment