Thursday, May 16, 2013

PAGKATAPOS NG ELEKSIYON

Ano na ang mangyayari pagkatapos ng eleksiyon? Muli naranasan ng ating bayan ang isang na namang trahedya. Matatala uli sa kasaysayan ng ating bansa ang walang patumanggang paglustay ng public funds, di masawatang vote-buying at mga karahasan.



Ang walang bahid ng kahihiyang paggamit ng kapangyarihan at impluwensiya ng mga political dynasty ay nagresulta ng walang tunggalian sa 38 lalawigan at daan-daang munisipalidad sa pagkagobernador at alkalde. Natabunan na ng pagtatraydor, batuhan ng putik at kasinungalingan ang mga lehitimong isyu at plataporma ng mga kandidato.


Ang nakakatawa ngunit nakakahiyang drama na nasaksihan ng buong bansa lalo na ngkabataan ay ang alitan nina Luis Villafuerte at ng kanyang apo na si Ray Migs Villafuerte Jr. Natalo ng apoo ang lolo sa gubernatorial race sa Camarines Sur. Ang ganitong tunggalian ay hindi nangyari saan man sa mundo.


Ang mabuting nangyari sa nagdaang eleksiyon, sa kabila ng mga ginastos ng gobyerno at kapalpakan ng ng mga PCOS machine ay ang tagumpay ng pagdaraos ng halalan sa ating lumalalim na demokrasya. Ang demokrasya ay isang sistema na nagbibigay sa ating ng kapangyarihan na humalal. Ito ang ating karapatan na magpoprotekta sa lahat ng iba pang karapatan ­ ang karapatang pumili kung sino ang susunod na lider, ang susunod na mambabatas, kung sino ang magpapatakbo ng lahat.


Ang halalan ng 2013 ay magugunita sa pag-ukit ng mahalagang pitak sa ating kasaysyaan sapagkat nagbukas ito ng karunungan kung ano ang kahulugan ng boto, ang kabuktutang dulot ng political dynasty, at mga repormang uusig sa mga kawalan ng katarungan laban sa ating kaawa-awang mga kababayan.


Sana, ang mga isyu tulad ng political dynasty, kalusugan, kakapusan ng pagkain, edukasyon at marami pang pambansang suliranin ay hindi tuluyang maglaho sa isipan ng ating mga kababayan.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/17/pagkatapos-ng-eleksiyon/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment