May bago nang alkalde ang lungsod ng Maynila si dating pangulong Joseph “Erap“ Estrada.
Si Estrada, kilala rin bilang “Asyong Salonga,“ ay pormal nang naiproklamang alkalde ng lungsod ng Maynila kahapon ng tanghali matapos na ipag-utos na ng Commission on Elections (Comelec) ang threshold ng mga boto na kinakailangan upang makapagproklama ng mga nanalong kandidato sa local level.
Kaugnay nito, matapos na mabilang ng City Board of Canvassers ang 96% ng mga boto sa lungsod ay kaagad na nitong iprinoklama si Erap ng United Nationalist Alliance (UNA) na nakakuha ng 288,058 boto, laban kay Mayor Alfredo “Dirty Harry“ Lim ng Liberal Party (LP) na may nakuhang boto na 257,631, o may kalamangan na 30,427 boto.
Ang Maynila ay may kabuuang 900,000 rehistradong botante ngunit halos 650,000 lamang sa mga ito ang bumoto sa May 13 midterm elections.
Kaugnay nito, sinabi ni Estrada na plano niyang tutukan ang peace and order sa lungsod upang mapalitan ang imahe nito na may pinakamataas na crime rate sa bansa.
Ang Manila mayoral race ang isa sa ikinukonsiderang pinakamatinding labanan sa katatapos na halalan dahil parehong malakas sa mga botante ang magkalabang kandidato na dating magkaalyado ngunit ‘di kalaunan ay naging magkatunggali.
Sinabi naman ni Estrada na anuman ang nagawa sa kanyang kasalanan ni Lim, partikular na nang iwanan umano siya nito sa ere noong patalsikin siya sa puwesto bilang pangulo ng bansa, ay napatawad na niya ito.
Gayunman, sinabi ni Estrada na hindi niya alam kung mapapatawad si Lim ng mga taumbayan dahil sa ginawa nito sa kanya.
Sa isang pahayag, sinabi rin ni Estrada na, “I thank the great people of Manila for putting a true son of Manila at the helm of the Philippine capital city.”
“Dear Manileños, I will not fail you. I was born in Manila, and I will die working to bring back the glory and pride to Manila,” pahayag pa nito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tinalo ni Estrada sa halalan si Lim matapos na siya rin ang magwagi ng tumakbo sila sa pagka-pangulo noong 1998.
Samantala, naiproklama na rin ang running mate ni Estrada na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang vice mayor-elect ng Maynila.
Nagtamo ng landslide victory si Domagoso laban sa kanyang kalaban na si Lou Veloso, sa lamang na mahigit 100,000 boto. – Mary Ann Santiago
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/15/peace-and-order-tututukan-ni-erap/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment