Tuesday, May 14, 2013

Salamat Poe, makaaasa Poe kayo

Ni Leonel Abasola



Mismong si senatorial front runner at Team PNoy bet Grace Poe ay nagulat din sa naging resulta ng halalan dahil sa pagiging numero uno nito sa senatorial race.


Kung matatandaan, si Poe ay hindi man lang napabilang kahit sa top three na dominado naman nina re-electionist senators Loren Legarda, Francis Escudero at Alan Peter Cayetano.



Kahapon, nanatili pa rin na nasa unahan si Poe, ang anak ng namayapang actor na si Fernando Poe Jr.


“Ako’y nagulat din, at hindi ko akalain na mangyayari ito at ako’y natutuwa din. Ipagpapatuloy ko ang aking pagdarasal,” pahayag ni Poe.


“Though we’re still not sure we’d land on the top spot because counting is not yet over, I am not nervous anymore because I think I am already in for the Magic 12,” pagmamalaki ni Poe.


Nagpasalamat din ito sa kanyang inang beteranang aktres na si Susan Roces at Escudero.


Si Escudero ay naging tagapagsalita ng kanyang ama noong 2004 presidential elections, at sa mga campaign sorties ay palagi silang magkasama at tinutulungan siya sa kanyang mga kampanya.


Ipinaabot din ni Poe ang pasasalamat kay Pangulong Benigno Aquino III na kumumbida sa kanya para pamunuan ang Movie Television Review and Classification Board at dakong huli bilang kandidato ng Team PNoy.


Malaki din ang pasasalamat ni Poe kay Department of Interior Local Government Secretary Mar Roxas, Team PNoy campaign manager Sen. Franklin Drilon at Sen. Serge Osmena. Ang tatlo ay mga respetadong opisyal ng Liberal Party (LP) na tumulong din sa kanya.


Si Poe, kasama si Escudero at Legarda, ay nilaglag ng United Nationalist Alliance (UNA) ni dating Pangulong Joseph Estrada, pero nagpasalamat pa din si Poe sa kanyang ninong na si Estrada dahil sa suporta nito.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/15/salamat-poe-makaaasa-poe-kayo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment