Makalipas ang halos 10 taon na nabigo ang coup de ‘etat laban sa administrasyong Arroyo, sinentensiyahan ng Makati City Regional Trial Court ang dalawang opisyal ng Magdalo Group ng anim hanggang 12 taong pagkakabilanggo dahil sa partisipasyon ng mga ito sa Oakwood mutiny sa Makati City noong 2003.
Napatunayan ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Bartolome Soriano na nagkasala sina dating First Lieutenant Rex Bolo at Lawrence San Juan sa kasong coup de ‘etat — bilang participant at hindi leader — sa nabigong mutiny sa Oakwood Hotel noong Hulyo 2003.
Sina Bolo at San Juan ay kapwa tumanggi sa amnesty program na inialok ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa mga sundalong Magdalo, na dating pinamumunuan ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Iaapela ang kaso sa Court of Appeals. – Anna Liza Alavaren/MB
Related Posts:
- ‘Di ako political butterfly — Trillanes
- GMA, ‘di kayang mag-coup
- NP interesado rin kay Trillanes
- 2 bagong CA justice, itinalaga
- Gag order kina Kris, James
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/24/12-taong-kulong-sa-magdalo/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment