Saturday, March 23, 2013

KAHIRAPAN

Ang kahirapan ay hindi dapat na maging hadlang sa pagtatamo ng karunungan at edukasyon. Natatandaan ko na dahil sa hindi makaya noon nina Tatang at Inang na pag-aralin ako sa kolehiyo pagkatapos ng high school, napilitan akong tumigil ng isang taon at nagsaka sa ilang ektaryang lupa ni Tatang. Hindi ako naging desperado. Pagkaraan ng isang taon, nag-enroll ako sa UST, kumuha ng Journalism course, nakatapos at heto ako ngayon, nagsusulat sa BALITA na pinagkalooban ng Hall of Fame Award ng Gawad Tanglaw.



Tag-araw na naman. Bakasyon ng mga mag-aaral na sinisikap ng mga magulang na mapag-aral sa kabila ng hirap upang mapagtapos at magkamit ng karunungan na higit pa sa ginto at salapi. Maging mabubuting anak sana kayo, sundin at tuparin ang mga pangaral ng magulang upang matamo ang propesyon na magpapabago sa inyong buhay.


Congratulations sa may 500,000 graduate ngayong 2013. Panibagong dagdag kayo sa hanay ng libu-libong Pinoy na walang trabaho. Kahit paano, may taglay kayong diploma na magsisilbing sandata laban sa “pagbibilang ng poste“.


Ang tag-araw ay kasingkahulugan din ng init at pagpapawis. Katulad ng kabataang mga babae at lalaki na may rumaragasang hormones, masaganang estrogen at testosterone, na kung hindi makokontrol ay mauuwi sa pag-aasawa nang maaga o pagbubuntis na nag-aaral pa. Sana ay walang mga fetus na itatapon sa kanal o ilalagay sa harap ng simbahan.


Sa wakas, naging kategorikal ang PNoy admin sa paninindigan nitong muling buhayin ang Sabah claim na sentro ngayon ng bakbakan at patayan sa teritoryo na iniregalo noon ng Sultan of Brunei sa Sultan of Sulu bilang pasasalamat sa pagtulong na masawata ang rebelyon ng mga tagaBrunei noon. Kung nagkaroon lang ng inisyal na dayalogo sina PNoy at Sultan Jamalul Kiram III, baka hindi umabot sa ganitong situwasyon.


Hinarang ng Supreme Court ang implementasyon ng Reproductive Health Law sa loob ng apat na buwan.

Malamang kesa hindi, sangkaterbang bata na naman ang isisilang sa 4 buwang ito dahil hindi gumamit ng “kapote“ si Mister at si Misis ay hindi nakainom ng pills. Huwag magtaka kung matitinis na UHA ng mga sanggol ang maging bunga ng desisyong ito ng SC.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/24/kahirapan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment