Sunday, March 24, 2013

PAGKAKATAON

“If we might have a second chance to live the days once more; and rectify mistakes we make to even up the scores. If we might have a second chance to use the knowledge gained; perhaps we might become at last as fine as God ordained.” – Anonymous


Narito ang isang istorya ng isang ina na may anim na anak. Kung mabait si Aling Fe ay LALO NAMANG NAPAKABAIT ni Mang Rey AT IISA ANG KANYANG BISYO – ALAK.



Ang APAT NA MGA lalaki na dropouts ay napabaling sa shabu. Maraming gamit at appliances ang NAWALAN sa kanilang bahay. Ipinagbili ng MGA MAGKAKAPATID ang mga ito para magkroon lamang sila ng shabu. Nagtitiis ng lihim si Aling Fe.


Ang dalawang dalagita na magtatapos sa HAISKUL ay nagbabagsakan ang mga grado sa card pagkat may mga nobyo na. Si Rey ay mabait ngunit isang LASENGGERO. Lagi siyang naroon sa tindahan sa kanto at nakikipag – inuman.


Dumalaw si Fe sa kanyang Kapatid na doktora. Laging sumisikip ang kanyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Isang espesyalista sa puso ang kanyang kapatid. Sinuri ng kanyang Ate Dahlia ang kanyang puso. Masama ang lagay ni Fe. Siya ay dinala sa ospital, pag-aaralan kailangan ang bypass.


Dumating ito sa kaalaman ng magaama. Ang kanilang ina na dumalaw lamang sa kapatid sa Maynila ay naroon sa ospital dahil sa sakit at nagkaroon ng mild stroke.


Ang kasama ni Fe na pamangkin nilang dalaga ang nagsumbong sa kanyang tiyahing doktora ng PAGMAMALABIS NG MAG-AAMA. Nang magtungo roon kinagabihan ang mag-aama ay natutulog si Fe sa pribadong silid sa ospital. Niyaya ni Dahlia ang mag-aama sa labas ng kwarto. Doon sa pasilyo ay nag-lecture siya sa anim na magkakapatid at ama nilang LASENGGERO. Ito ang kanyang paliwanag.


“Sayang naman ang buhay ng aking kaisa-isang kapatid kung gagawin ninyo siyang biktima ng inyong mga bisyo. Kayo ang papatay sa kanya. Napakabait lamang ng aking kapatid kaya kayo umaabuso. Paglabas niya sa ospital ay iuuwi ko siya sa aming bahay upang magpagaling. Isang buwan bago ko siya ihahatid sa inyo sa kondisyong nagbago kayong lahat. Ito na ang pagkakataong upang magbago kayong lahat.”





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/24/pagkakataon-2/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment