Monday, April 8, 2013

ANG SEKRETO NG IYONG TAGUMPAY

“Every sacrifice deserves a fruitful reward. Every failure deserves a second chance. We just have to be strong to persevere in life.“ ­ Anonymous


Narito ang istorya ng isang bata na may lasenggong ama at nagger na ina. Si Benito ay panganay at nasa ikaanim na baitang. Sawang-sawa na siya sa pagaaway ng kanyang mga magulang. Nang makatapos na siya ng elementarya ay nagpasya na siyang lumisan sa kanilang lugar at makipagsapalaran sa Maynila. Sa Divisoria ay naging kargador si Benito ng mga namamalengke. Minsan ay isang mayamang babae ang natuwa kay Benito nang ihabol niya ang isang bayong na naiwan nito sa isang tindahan.



Sa tuwa ni Modesta ay inalok niya si Benito na doon na tumira sa kanyang malaking bahay. Nang dumating ang pasukan ay pinag-aral niya si Benito.


Inilista ni Benito ang masasamang katangian ng kanyang ama na hindi niya tutularan. Wala siyang makitang magandang ugali nito na pwede niyang partisan. Naging ulirang “anak“ si Benito sa kanyang Tita Modesta. Pagkaraan ng maraming taon ay nakatapos si Benito ng abogasya.


Hindi nakilala si Benito nang dumalaw siya sa kanyang mga magulang at kapatid sa probinsya.

Maraming dalang lutong pagkain si Benito sa kanyang pagdalaw.


Malakas na ang loob ni Bentito na kunin ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Nakabili siya ng sariling bahay at lupa. Hindi pa nakakaisip si Benito na mag-asawa. Ganoon na lamang ang tuwa ng kanyang ama at ina at lalo na ang kanyang mga kapatid. Kahit na hindi maganda ang naging karanasan ni Benito sa piling ng tunay na mga magulang ay hindi pa rin niya kinalimutan ang tunay na pamilya sa panahon ng kanyang tagumpay.


Nagtagumpay si Benito dahil inakay siya sa Diyos ng kanyang Tita Modesta at dahil iniwasan niya ang lahat ng di-magagandang ugali ng kanyang ama. Ito ang prinsipyo ni Benito: “Upang umunlad ay dapat lakasan ang loob, magkaroon ng magagandang ugali at ilapit ang sarili sa Panginoon.“





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/08/ang-sekreto-ng-iyong-tagumpay/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment