SIMULA ngayong gabi, mapapanood na sa GMA ang una sa four-part na Dapat Tama Voter Education Ads ng GMA News & Public Affairs Group na pinamagatang “Dapat Tama Election Vignettes.“ Tatalakayin nito ang negatibong aspeto ng pulitika sa bansa ang katiwalian, cronyism, vote-buying, at voter manipulation.
Sa unang vignette, makikilala ng mga manonood si Dave na sa di-inaasahang pagkakataon ay malalagay sa panganib nang bumigay ang Amatapad Bridge at mahulog dito ang sinasakyan niyang bus. Kasama ni Dave sa loob ng bus ang mga flying voter na papunta sana sa polling precint upang bumoto. Si Dave ang namumuno sa grupo, sa ngalan ng kanyang padrino na si Geroncio Pastrana, ang tiwaling alkalde ng kanilang bayan.
Bibigyang-pansin din sa “Dapat Tama Election Vignettes“ ang mga under-the-table na kasunduan at mga theatrical gimmickry ng mga kandidato. Ipakikita rin ang pagiging desperado ng ilang naghihirap pati na ang pagbebenta ng mga boto nang hindi iniisip ang mga posibleng kahihinatnan ng kanilang mga aksyon.
Sa direksyon at sinematograpiya ni King Baco, na siya ring nasa likod ng docu-dramas ng GMA News TV na Pluma at Pedro Calungsod, binuo ang series gamit ang high-definition video at computer-generated images.
Tampok sa “Dapat Tama Election Vignettes“ ang mahuhusay na aktor na sina Allen Diansuy ng Dulaang UP na gaganap bilang Dave at Pontri Bernardo bilang Mayor Pastrana, kasama sina Peggy Ruazon na minsang naging bahagi ng Miss Saigon UK, Bernard Carritero, Ronald Regala, at Jack Falcis.
Kabilang sa voter education advocacy ng GMA Network, layunin ng “Dapat Tama Election Vignettes“ na maipakita ang socio-political realities ng bansa at maituro sa publiko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng integridad at ng mabuting liderato, pati na rin ang hamunin silang manindigan at piliin kung ano ang tama. Mapapanood ito sa GMA-7 at GMA News TV Channel 11 simula ngayong gabi, April 12.
Related Posts:
- Comelec video on proper campaigning
- 170,000 ghost voter sa Lanao
- 200 flying voter, ‘di nakalusot sa police at military
- ‘Bayan Ko,’ ang unang mini-series ng GMA News TV
- Flying voters, nakalulusot sa ARMM?
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/12/dapat-tama-voter-education-ads-ng-gma-network-mapapanood-na/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment