Thursday, April 11, 2013

Gawa 5:34-42 Slm 27 Jn 6:1-15

Napakaraming tao ang nagpunta kay Jesus … at sinabi naman sa kanya ng isa sa mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: “May bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda…“ Kaya kumuha ng mga tinapay si Jesus at nagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda, gaano man ang gustuhin nila. Nang mabusog na sila, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang mga natirang piraso… Nang makita ng mga tao ang tandang ginawa ni Jesus, sinabi nila: “Ito ngang talaga ang Propeta na hinihintay na dumating sa mundo.“


PAGSASADIWA

Tipunin ninyo ang mga natirang piraso. Kumain at nabusog ang lahat mula sa pinaraming tinapay at isda. lumabis pa ng labindalawang sisidlan ang mga pira-pirasong tinapay. Ito ay napakagandang larawan ng naguumapaw na kagandahang-loob ng Diyos. Hindi lang sapat para sa pangangailangan ng tao ang ibinibigay ng Diyos. Sobra-sobra ang biyaya ng Diyos para sa lahat kung matututo lang ang taong kumuha ng sapat at magbahagi sa kapwa sapagkat anumang sobra na para sa ating pangangailangan ay maaaring maging kakulangan naman sa iba.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/12/gawa-534-42-slm-27-jn-61-15/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment