Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang nagpakilalang abogado at dalawang iba pa na namemeke umano ng mga desisyon sa korte at ng mga dokumento para sa annulment at pagpapakasal, sa entrapment operation sa Pasay City.
Kinilala ni Vicente De Guzman III, ng NBI-National Capital Region (NCR), ang mga dinakip na sina Victoria Delos Reyes, Gliceria Cinco at Henry Oclima.
Ang pag-aresto ay bunsod ng reklamo nina Mia Joy Ollares-Cawed, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 4 ng Baguio City; at isang Josefa Nelmida.
Sa salaysay ni Nelmida, sinabi niyang nakilala niya si Delos Reyes sa pamamagitan ng isang kaibigan at nagpakilala itong abogado na sa loob lang umano ng tatlo hanggang apat na buwan ay kayang ayusin ang lahat ng dokumento para sa annulment niya sa dating asawa.
Humingi ang suspek ng P175,000 na paunang bayad para sa legal fee, at nagbayad ang biktima ng P30,000 downpayment at idineposito ito sa RCBC account ni Delos Reyes.
Matapos ang ilang buwan ay personal na ibinigay ng suspek ang kopya ng annulment marriage ni Nelmida sa dating asawa, at pirmado ito ng isang Judge Cawed.
Gayunman, nang isinumite ng biktima ang dokumento sa Local Civil Registry sa Baguio City ay sinabihan siyang peke ang dokumento hanggang nakumpirma niya ito kay Cawed. – Beth Camia
Related Posts:
- Hukom, nagkamali sa annulment, sinibak
- Misis hinoldap ng kanyang mister?
- Big-time illegal recruiter, arestado
- Luisita beneficiaries, tutukuyin sa Agosto
- CGMA: Trial proper na tayo
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/24/3-namemeke-ng-annulment-dinakip/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment