Sunday, March 24, 2013

Legal age na kami -Heart

Ni Jimi Escala


Heart Evangelista HINDI ikinabahala ni Heart Evangelista ang tahasang pagsasalita ng kanyang mga magulang na hindi boto ang mga ito kay Sen. Francis “Chiz“ Escudero.


Ayon sa aktres nang ma-ambush interview namin ay nasa hustong gulang na sila ni Senator Chiz.



Dagdag pa ni Heart, kayangkaya naman nilang i-handle ang anumang sitwasyon na may kinalaman sa lovelife niya at maging ang anumang direksiyon na patutunguhan ng sariling buhay niya.


“I am already 28 years old. May karapatan na rin naman siguro akong pumili kung sino ang dapat kong mahalin at pakikisamahan. But still, hindi mawawala ang respeto at pagmamahal ko sa mga magulang ko,“ banggit pa ni Heart.


Samantala, 44 years old naman si Sen. Chiz.


Marami pa sana kaming itatanong na isyu kay Heart pero nagmamadali siya at may pakikiusap nang nagpaalam at inamin na ayaw na muna niyang pag-uusapan ang mga naturang isyu lalunglalo na’t may kinalaman ito sa kanyang senator boyfriend at sa kanyang magulang.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/24/legal-age-na-kami-heart/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment