Mayroon akong amiga na naglilingkod sa Simbahan. Masasabi nating “taong-Simbahan“ siya sapagkat lahat na yata ng aktibidad sa loob ng kongregasyong kanyang kinaaaniban ay sinalihan na niya. Masipag ang kaibigan kong ito at natitiyak kong hindi siya nagkukulang sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan panalangin at pagkalinga sa mga nangangailangan. Kulang na ngalang sa amiga ko ang mag-madre.
Ngunit nang magkita kami sa kapilya sa aming komunidad bago magmisa, naikuwento niya sa akin ang isang mapait niyang karanasan: Naholdap ang amiga ko. Aniya, “Una, nagpapasalamat ako dahil ngayon ko lang na-experience ito. Pangalawa, natangay ng holdaper ang aking pera, hindi ang aking buhay. Pangatlo, kahit natangayan ako, hindi naman lahat. At pangapat, ako ang naholdap, hindi ako ang nang-holdap. Hindi ko na ipinablotter. Magagahol ako sa oras ng pagpunta ko rito. Masyado akong busy rito.“
Para sa amiga kong ito, ang paglilingkod sa Panginoon ang mas mahalaga kaysa nangyari sa kanya.
Ganito rin ang ipinakita ni San Pablo Apostol nang ibunyag sa kanya ang tungkol sa kanyang kinabukasan.
Gayong binalaan siya ng isang propeta na ipakukulong siya sa Jerusalem, hindi natinag si San Pablo. Ang maalab na pagnanais niya ay ang tuparin ang kalooban ng Diyos kahit ano pa man ang mangyari sa kanya. Kagustuhan ni San Pablo ang sundin ang kalooban ng Panginoon alang-alang sa Kanyang pangalan.
Wala ni isa man sa atin ang nakaaalam kung ano ang ating kinabukasan. Minsan, ang paglilingkod natin sa Diyos ay kaakibat ang paglalakbay sa lambak ng kamatayan. Minsan pa nga mas pinipili natin ang makipot na daan dahil naroon ang pagnanais na gawin ang tama sa halip na kung ano ang madali.
Sa mahihigpit na situwasyon ng ating buhay, pakatandaan natin na ang pagtupad sa kalooban ng Diyos alang-alang sa ngalan Niya ay mas mahalaga ang higit na mahalaga kaysa kung ano ang maaaring mangyari sa atin.
Related Posts:
- Gawa 18:23-28 • Slm 47 • Jn 16:23b-28
- SUKLI
- MARTES SANTO
- ANG FILES NA HINDI MAITAPON
- Is 49:1-6 ● Slm 71 ● Jn 13:21-38
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/24/alang-alang-sa-ngalan-mo/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment