Ni Light A. Nolasco
TALAVERA, Nueva Ecija – Dahil walang public bidding sa P28.4million road concreting project at sa pagpapatayo ng anim na gymnasium, kinasuhan ng limang taxpayer sa Office of the Ombudsman si Talavera Mayor Nerito Santos sa paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), grave misconduct, abuse of authority at irregularity.
Pormal na nagharap ng kaso laban sa alkalde sina Fernan de Guzman, ng Barangay San Miguel na Munti; Rolando Jimenez, Alfredo Baldado, isang may apelyidong Santiago at Marcelo Vallagar, pawang ng Bgy. La Torre, Talavera.
Batay sa reklamong inihain sa Ombudsman, inakusahan nila si Santos sa pag-apruba sa konstruksiyon ng anim na gynasium at sa road concreting project sa siyam na barangay nang walang anumang public bidding.
Wala rin umanong pinagtibay na resolusyon ang Sangguniang Bayan para pahintulutan si Santos na pumasok
sa kontrata para maisakatuparan ang nasabing mga proyekto.
Ayon pa sa mga complainant, walang sapat na pondo ang pamahalaang bayan ng Talavera para ipatupad ang nasabing mga proyekto.
Sa katunayan, anila, mismong si Santos ang humiling sa Sangguniang Bayan na magpasa ng ordinansa na magpapahintulot sa alkalde na pumasok sa loan facility agreement sa Philippine Veterans Bank upang makapangutang ng P182 million para sa proyekto, subalit tinanggihan ito ng bangko dahil lalampas na sa borrowing capacity ang Talavera.
Kaugnay nito, naghain din ng urgent motion sa Office of the Ombudsman si Atty. Rudolf Philip Jurado, abogado ng mga complainant, para magpalabas ng preventive suspension laban kay Santos.
Related Posts:
- Graft vs Leyte mayor, ikinasa
- Vice mayor ng Pandi, kinasuhan
- Kaso vs DPWH officials, itutuloy
- 10 dating Lemery official, pinakakasuhan
- Cabanatuan mayor, inabsuwelto sa graft
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/24/ilegal-na-proyekto-ng-nueva-ecija-mayor-inireklamo-sa-ombudsman/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment