Sunday, March 24, 2013

Linggo ng Palaspas sa Taguig

Alas 6:00 ng umaga ngayong Linggo ay sama-samang magtutungo ang mga Aglipayano ng San Isidro Labrador Parish sa Barangay Napindan, Taguig City, sa mga tahanang may partisipasyon sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas o “Domingo de Ramos.“



Sa pangunguna ng kura paroko na si Rev. Fr. Roberto Salazar, na maglalakad sa pulang tela na ilalatag sa kalye ng mga Aglipayanong nakasuot din ng pula, magkakaroon ng mga sandali ng panalangin sa harap ng mga tahanan sa saliw ng awit ng mga batang babae, ang “Osana sa Anak ni David.“


Ang pamilya Ramos, sa pamamahala ni Ka Ureng at namayapa niyang kapatid na si Ka Binay, ay patuloy na ginugunita ang tradisyon. Sina Ka Ureng Ramos-Esguerra at Binay Ramos-Balderrama at kanilang mga anak at apo ay patuloy na gumaganap sa mga gawaing espirituwal ngayong Mahal na Araw.


Umuwi buhat sa Amerika si Remy Esguerra, anak ni Ka Ureng, upang makaganap sa taunang panata ng kanilang angkan tuwing Domingo de Ramos.


Nakatutuwang hindi pa rin binabago ng modernisasyon ang ilang kaugaliang Pilipino lalo na ngayong Mahal na Araw. Isa na nga rito ang Bgy. Napindan sa Taguig City.


Sa Easter Sunday, sasayaw naman ng “Bati ng Papuri“ sa Pasko ng Pagkabuhay si Shara Ann Morales Salcedo, anak nina Rowena at Apollo Salcedo. Isang panata ang Sayaw ng Bati. Ang malilikom sa donasyon ng mga manonood ay ipagkakaloob sa Simbahan.


“Papuri at Pasasalamat sa Panginoon“ ang tema ng taunang selebrasyon, na tradisyon na sa Bgy.

Napindan at dinarayo taun-taon. – Daisy Lou C. Talampas





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/24/linggo-ng-palaspas-sa-taguig/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment