Monday, July 1, 2013

Kakaibang bakbakan, nakatuon sa Wimbledon

LONDON (Reuters)- Pamumunuan nina Novak Djokovic, Andy Murray at Serena Williams ang cast ng fresh-faced hopefuls sa Wimbledon sa ikalawang linggo na magiging Federer-free zone sa unang pagkakataon matapos ang 11 taon.

SERENA Williams Ang ikalawang linggo na sinasabing back-to-back blockbuster matches kung saan si Murray, kapwa nawala na sa kontensiyon sina seven-times champion Roger Federer at 2008 at 2010 winner na si Rafa Nadal, ay dadaan sa matinding pagsubok matapos ang ‘di makakalimutang kampanya sa nakaraang linggo.

Nawala na sa torneo sina Federer, Nadal, Maria Sharapova at Victoria Azarenka, ang lahat ay dating No. 1, pawang grand slam champions at napasakamay na nila ang sariling 35 major trophies.

Ang ikalawang linggo ng line-up ay kinapalooban ng mga karakter sa All England Club na inaasahan lamang na may supporting role sa torneo subalit nakausad sa last-16.

Sina French duo Kenny de Schepper at Adrian Mannarino, Poland’s Jerzy Janowicz, Italy’s Karin Knapp at Puerto Rican Monica Puig na nasa labas ng ranggo sa world’s top 20 ay ‘di pa nagwawagi sa main-tour title at ‘di rin nakatutuntong sa fourth round sa major.

Ang kasarapan, naibulsa nila ang pinakamalaking tseke sa halagang $159,000, matapos ang mga naging distruksion sa field sa grass court major.

“It’s good for change in a way because top players are always expected to reach the final stages of major events. When it doesn’t happen, it’s a big surprise,” pahayag ni Djokovic sa reporters.

“It’s a bit (of a) strange feeling not to have Federer or Nadal at the second week of a major. In the last 10 years, it was always one of them. But there’s some (other) players who have been playing great tennis. I think it’s interesting also to see new faces for the crowd, for (the) tennis world in general.”

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/kakaibang-bakbakan-nakatuon-sa-wimbledon/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

China Pushes Back on Philippine Spratlys Charge

Regional meeting hopes to agree on legally binding code of conduct to manage territorial disputes among China, Vietnam, the Philippines, Taiwan, Malaysia and ...

View the original article: http://www.bignewsnetwork.com/index.php/sid/215559443/scat/0267775d6f1c3971

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Civil society group files FOI bill on behalf of Filipino people

MANILA, Philippines--It was not just the duly elected representatives who made sure to file their priority legislation early on the first working day of the 16th Congress. On behalf of the Filipino people, the Right to Know, Right Now! Coalition, composed of civil society groups and people's organizations pushing for transparency and accountability in government, filed the people's ...

View the original article: http://www.bignewsnetwork.com/index.php/sid/215559644/scat/0267775d6f1c3971

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Maagap na gamutan sa may HIV

LONDON (AP) – Ang mga bata at iba pang apektado ng AIDS virus ay dapat na agad sumailalim sa gamutan matapos makumpirmang taglay ang HIV, ayon sa mga bagong panuntunan ng World Health Organization (WHO) na nagrekomenda rin ng maagang gamutan sa mga adult.

Pinakamaaapektuhan sa bagong panuntunan ang Africa, na halos 70 porsiyento ng may HIV ay nabubuhay. Maraming mayayamang bansa ang nagpapatupad na ng maagap na gamutan.

Ang mga bagong panuntunan ng WHO ay inihayag nitong Linggo sa International AIDS Society meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May 34 na milyong katao sa mundo ang may HIV, ang virus na nagdudulot ng AIDS. Inaatake ng HIV ang mga pangunahing selula sa immune system na lumalaban sa impeksiyon na tinatawag na T-cells. Kapag bumaba na sa 200 ang T-cells, ikinokonsidera nang may AIDS ang pasyente. Sa nakalipas na mga taon, inirerekomenda ng WHO na simulan ang gamutan kapag nasa 350 na lang ang T-cells ng mga ito; ang normal na bilang ng T-cells ay 500-1,600.

Sa bagong rekomendasyon, agad na sasailalim sa gamutan ang pasyente kapag nasa 500 ang T-cells nito.

Bukod dito, dapat din na agad sumailalim sa gamutan ang mga edad lima pababa na na-diagnose na may HIV, gayundin ang mga buntis at nagpasuso, mga may partner na may HIV at ang may tuberculosis o hepatitis B.

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/maagap-na-gamutan-sa-may-hiv/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Hindi pamilyar sa Wimbledon, minamataan

LONDON (AP – Maghanda para sa mga hindi pamilyar na pangalan sa Wimbledon.

SERENA Williams Sa pagkakatalsik nina Roger Federer at Rafael Nadal, at ang pagkakawala rin ni Maria Sharapova, matapos ang masalimuot na Week 1 sa All England Club, mag-uumpisa ang Week 2 ngayong araw na may iskedyul na kabibilangan ng mga manlalaro na tulad nina Kenny de Schepper at Adrin Mannarino, Ivan Dodig at Jerzy Janowicz, Karin Knapp at Monica Puig.

Wala ni isa sa grupo ang nakapaglaro sa fourth round ng kahit anong Grand Slam tournament.

Ang ibang mas kilalang pangalan ay kasama pa rin, tulad nina Serena Williams, Novak Djokovic, at Andy Murray. Wala ni isa sa trio ang may nailaglag na set at inaasahang mananatili hanggang sa susunod na linggo.

Gusto ni Djokovic ang ideya na nabibigyan ang ibang manlalaro ng pagkakataong maipakilala ang mga sarili sa mas malawak na audience.

”It’s interesting to see new faces – for the crowd, for (the) tennis world, in general,” sinabi ni Djokovic.

”It’s good (to have) change, in a way, because it’s always expected, obviously, from top players to reach the final stages of major events. When it doesn’t happen, it’s a big surprise,” dagdag ng top-seed na si Djokovic, ang anim na titulo sa Grand Slam ay kinabibilangan ng Wimbledon na kanyang napanalunan noong 2011. ”It’s a bit (of a) strange feeling not to have Federer or Nadal at the second week of a major. In the last 10 years, it was always one of them.”

Si Djokovic ay naglaro sa 16 sunud na quarterfinals sa isang Grand Slam, ang pinakamahabang active streak mula nang maputol ang 36 ni Federer. Sa huling 10 Slams, nakaabot si Djokovic sa semifinals sa bawat pagkakataon at pumulot ng limang tropeo at tatlong runner-up finish.

Si Murray naman ay naging finalist sa huling tatlong torneo at nakopo ang titulo sa U.S. open noong Setyembre.

”Second week of a Grand Slam is a new start, especially here, where you have (time) off,” ani ng 15th-seeded na si Marion Bartoli, ang runner-up sa Wimbledon noong 2007 at makakatapat ng 104th-ranked na si Knapp, isang Italian na tatapak sa fourth round ng isang major sa unang pagkakataon. ”It’s really a new tournament starting.”

Ang No. 1-ranked na si Williams ang mabigat na paborito upang mapanalunan ang titulo. Siya ay isang five-time champion sa Wimbledon, kabilang noong nakaraang taon. Siya ay may 16 titulo sa Grand Slam.

Hindi magiging madali ang talunin si Williams. Siya ay 46-2 ngayong season at nanalo sa kanyang huling 34 laban, ang pinakamahabang winning streak para sa isang manlalarong babae mula nang magawa ito ng nakatatandang kapatid na si Venus noong 2000 sa kanyang 35.

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/hindi-pamilyar-sa-wimbledon-minamataan/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Egyptian president, pinabababa sa puwesto

CAIRO (AP) – Daan-daang libo hanggang milyong katao ang dumagsa sa lansangan ng Cairo at ng iba pang lungsod sa Egypt kahapon para magmartsa patungo sa presidential palace, sa layuning patalsikin sa puwesto ang Islamist na pangulo ng bansa.

Sa pagpapakita ng lumalalang pagkakawatak-watak sa bansa, pinagpupukol ng bato at firebombs ng kabataang raliyista ang pangunahing headquarters ng Muslim Brotherhood ni President Mohammed Morsi, at nagliyab pa ang tarangkahan ng villa. Pinagbabaril naman ng mga nagbarikadang tagasuporta ng Brotherhood ang mga raliyista, at sinabi ng mga aktibista na tatlo sa kanila ang nasawi.

Lima pang anti-Morsi protester ang napatay nitong Linggo sa paglalaban at pamamaril sa katimugang Egypt, at pinangangambahang higit pang magiging marahas ang mga protesta sa mga susunod na araw.

Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, binigyang-diin naman ni Morsi na hindi siya bababa sa puwesto, at nangako ang kanyang mga tagasuporta na hindi papayagang mapatalsik ang presidente na legal na inihalal ng mamamayan.

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/egyptian-president-pinabababa-sa-puwesto/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Laman Lupa – July 2, 2013

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/laman-lupa-july-2-2013/