Sumakay si Jesus sa bangka at sumunod sa kanya ang mga alagad niya. Nagkaroon ng malakas na bagyo sa lawa at parang matatabunan na ng mga alon ang bangka. Ngunit tulog si Jesus. Ginising siya nila na sumisigaw: “Panginoon, saklolo! Mamamatay tayo!” At sinabi ni Jesus: “Bakit kayo natatakot, kayong napakaliit ng paniniwala?” Bumangon siya at inutusan ang mga alon at hangin, at tumahimik ang lahat. Nagulat ang mga tao at sinabi nila: “Anong klaseng tao ito? Sumusunod sa kanya pati mga hangin at dagat.”
PAGSASADIWA
Panginoon, saklolo! – Ipinakikita sa ebanghelyo ngayon kung ano nga ba ang pananampalataya. Sinabing ang pananampalataya ay pagtataya sa Panginoon, paniniwala sa kanya, pagtitiwalang magaganap ang kanyang pangako. Subalit may iba pang dimension ang pananampalataya—ang pagtanggap sa ating kakulangan. May ilan sa atin na Diyos ang tingin sa sarili. Akala natin, tayo si “Superman” dahil parang kaya nating gawin ang lahat. Subalit, bahagi ng ating pananampalataya ang pagtanggap na hindi lahat ay kaya natin—na kailangan ding humingi ng “saklolo.” At wala tayong ibang mahihingan ng tulong kundi ang Panginoong Jesus na maawain at laging nasa ating piling.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/gen-1915-29-%e2%97%8f-slm-26-%e2%97%8f-mt-823-27/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment