Ni Genalyn D. Kabiling/Manila Bulletin
CLARK AIR BASE, Pampanga – Malapit nang matapos ang panahon ng paglipad ng mga luma at siraing eroplano at helicopter ng Philippine Air Force.
Dahil sa P75-billion modernization program para sa militar na ipatutupad sa limang taon, tiniyak ni Pangulong Benigno S. Aquino III na makabibili na ang gobyerno ng mga makabagong air asset bago matapos ang kanyang termino sa 2016.
Sa kanyang talumpati sa ika-66 na anibersaryo ng PAF dito, sinabi ng Pangulo na balak ng gobyerno na bumili ng mga bagong lead-in fighter, long-range patrol aircraft, attack helicopter at air defense radar.
Aniya, hindi na dapat umasa ang sambayanan sa pagpapaayos at rehabilitasyon ng mga lumang eroplano na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga piloto, tulad ng pagbagsak ng OV-10 Bronco plane sa Palawan kamakailan.
“Ang ganitong mga pangyayari nga mismo ang iniiwasan natin simula’t sapul pa. Kaya naman, nakatutok tayo sa modernisasyon ng ating pambansang tanggulan,” sabi ni Aquino.
Sa kanyang unang 19 na buwan sa Malacañang, ibinandera ni Aquino na nakapaglaan na ang kanyang gobyerno ng P28 million para sa AFP Modernization Program, kumpara sa P33 billion na pinagsamang gastos ng huling tatlong administrasyon.
“Asahan po ninyo, bago tayo bumaba sa puwesto, tumatanod na sa ating himpapawid ang mga makabago’t modernong kagamitan gaya ng lead-in fighters, long-range patrol aircraft, close air support aircraft, light-lift fixed-wing aircraft, medium-lift aircraft, attack helicopters, combat utility helicopters, air defense radars, at flight simulators,” anang Pangulo.
Giit pa ng Pangulo, batid niya ang limitasyon ng AFP sa pagpipilit nitong ayusin ang mga lumang eroplano at kagamitang panggiyera, tulad ng 17 M-35 truck, isang N-22 Nomad transport aircraft, isang Huey helicopter, isang LC-210 aircraft at isang MG-520 attack helicopter.
“Siyempre, hindi maaaring habambuhay na umasa na lamang tayo sa maya’t mayang rehabilitasyon at pagkukumpuni ng kagamitan. Sa tuwing lumilipad ang Air Force, nakataya sa kalidad ng ating mga eroplano, hindi lamang ang tagumpay ng kanilang misyon, kundi ang mismong buhay ng ating mga sundalo,” sabi ni Pangulong Aquino. – Genalyn D. Kabiling/Manila Bulletin
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/pnoy-afp-modernization-matutupad-bago-2016/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment