LONDON (AP) – Ang mga bata at iba pang apektado ng AIDS virus ay dapat na agad sumailalim sa gamutan matapos makumpirmang taglay ang HIV, ayon sa mga bagong panuntunan ng World Health Organization (WHO) na nagrekomenda rin ng maagang gamutan sa mga adult.
Pinakamaaapektuhan sa bagong panuntunan ang Africa, na halos 70 porsiyento ng may HIV ay nabubuhay. Maraming mayayamang bansa ang nagpapatupad na ng maagap na gamutan.
Ang mga bagong panuntunan ng WHO ay inihayag nitong Linggo sa International AIDS Society meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia.
May 34 na milyong katao sa mundo ang may HIV, ang virus na nagdudulot ng AIDS. Inaatake ng HIV ang mga pangunahing selula sa immune system na lumalaban sa impeksiyon na tinatawag na T-cells. Kapag bumaba na sa 200 ang T-cells, ikinokonsidera nang may AIDS ang pasyente. Sa nakalipas na mga taon, inirerekomenda ng WHO na simulan ang gamutan kapag nasa 350 na lang ang T-cells ng mga ito; ang normal na bilang ng T-cells ay 500-1,600.
Sa bagong rekomendasyon, agad na sasailalim sa gamutan ang pasyente kapag nasa 500 ang T-cells nito.
Bukod dito, dapat din na agad sumailalim sa gamutan ang mga edad lima pababa na na-diagnose na may HIV, gayundin ang mga buntis at nagpasuso, mga may partner na may HIV at ang may tuberculosis o hepatitis B.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/maagap-na-gamutan-sa-may-hiv/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment