Monday, July 1, 2013

Egyptian president, pinabababa sa puwesto

CAIRO (AP) – Daan-daang libo hanggang milyong katao ang dumagsa sa lansangan ng Cairo at ng iba pang lungsod sa Egypt kahapon para magmartsa patungo sa presidential palace, sa layuning patalsikin sa puwesto ang Islamist na pangulo ng bansa.



Sa pagpapakita ng lumalalang pagkakawatak-watak sa bansa, pinagpupukol ng bato at firebombs ng kabataang raliyista ang pangunahing headquarters ng Muslim Brotherhood ni President Mohammed Morsi, at nagliyab pa ang tarangkahan ng villa. Pinagbabaril naman ng mga nagbarikadang tagasuporta ng Brotherhood ang mga raliyista, at sinabi ng mga aktibista na tatlo sa kanila ang nasawi.


Lima pang anti-Morsi protester ang napatay nitong Linggo sa paglalaban at pamamaril sa katimugang Egypt, at pinangangambahang higit pang magiging marahas ang mga protesta sa mga susunod na araw.


Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, binigyang-diin naman ni Morsi na hindi siya bababa sa puwesto, at nangako ang kanyang mga tagasuporta na hindi papayagang mapatalsik ang presidente na legal na inihalal ng mamamayan.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/egyptian-president-pinabababa-sa-puwesto/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment