Monday, July 1, 2013

Volcanoes, pinulbos sa World Rugby

Hindi nakaporma ang Philippine Volcanoes sa Rugby World Cup Sevens matapos malasap ang ikaapat na sunod na kabiguan at iwan ang torneo sa masaklap na resulta sa Moscow, Russia.


Huling nakalasap ng 50-0 pagkabigo ang Philippine Rugby team sa nakasagupang Japan matapos na sumadsad sa Group C na pinaglabanan ang Bowl Trophy. Kapwa nahulog ang Pilipinas at Japan sa walong koponan kagrupo matapos maunsiyami sa lahat ng laban sa preliminary round.



Walang naipanalo ang Volcanoes sa tatlong laro sa preliminaries sa Pool C matapos na malasap ang 5-45 pagkatalo sa Kenya, 0-29 kabiguan sa Samoa at 7-19 kontra sa Zimbabwe.


Ipinadama naman ng Japan ang pagiging numero una sa Asia sa muling pagdiskaril sa Volcanoes.


Isang malaking aral naman sa Volcanoes ang paglahok sa torneo sa unang pagkakataon. Nakasali ang Pilipinas sa World Cup matapos na talunin ang South Korea sa qualifying noong nakaraang taon.


Ang karanasan ng koponan ay magagamit nila para palakasin pa ang kaalaman sa larong rugby bilang paghahanda sa posibleng pagsali sa Asian Games sa Incheon Korea sa 2014. Isa ang larong Rugby sa mga lalaruin sa kada apat na taong torneo. – Angie Oredo




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/volcanoes-pinulbos-sa-world-rugby/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment