LONDON (AP – Maghanda para sa mga hindi pamilyar na pangalan sa Wimbledon.
Sa pagkakatalsik nina Roger Federer at Rafael Nadal, at ang pagkakawala rin ni Maria Sharapova, matapos ang masalimuot na Week 1 sa All England Club, mag-uumpisa ang Week 2 ngayong araw na may iskedyul na kabibilangan ng mga manlalaro na tulad nina Kenny de Schepper at Adrin Mannarino, Ivan Dodig at Jerzy Janowicz, Karin Knapp at Monica Puig.
Wala ni isa sa grupo ang nakapaglaro sa fourth round ng kahit anong Grand Slam tournament.
Ang ibang mas kilalang pangalan ay kasama pa rin, tulad nina Serena Williams, Novak Djokovic, at Andy Murray. Wala ni isa sa trio ang may nailaglag na set at inaasahang mananatili hanggang sa susunod na linggo.
Gusto ni Djokovic ang ideya na nabibigyan ang ibang manlalaro ng pagkakataong maipakilala ang mga sarili sa mas malawak na audience.
”It’s interesting to see new faces – for the crowd, for (the) tennis world, in general,” sinabi ni Djokovic.
”It’s good (to have) change, in a way, because it’s always expected, obviously, from top players to reach the final stages of major events. When it doesn’t happen, it’s a big surprise,” dagdag ng top-seed na si Djokovic, ang anim na titulo sa Grand Slam ay kinabibilangan ng Wimbledon na kanyang napanalunan noong 2011. ”It’s a bit (of a) strange feeling not to have Federer or Nadal at the second week of a major. In the last 10 years, it was always one of them.”
Si Djokovic ay naglaro sa 16 sunud na quarterfinals sa isang Grand Slam, ang pinakamahabang active streak mula nang maputol ang 36 ni Federer. Sa huling 10 Slams, nakaabot si Djokovic sa semifinals sa bawat pagkakataon at pumulot ng limang tropeo at tatlong runner-up finish.
Si Murray naman ay naging finalist sa huling tatlong torneo at nakopo ang titulo sa U.S. open noong Setyembre.
”Second week of a Grand Slam is a new start, especially here, where you have (time) off,” ani ng 15th-seeded na si Marion Bartoli, ang runner-up sa Wimbledon noong 2007 at makakatapat ng 104th-ranked na si Knapp, isang Italian na tatapak sa fourth round ng isang major sa unang pagkakataon. ”It’s really a new tournament starting.”
Ang No. 1-ranked na si Williams ang mabigat na paborito upang mapanalunan ang titulo. Siya ay isang five-time champion sa Wimbledon, kabilang noong nakaraang taon. Siya ay may 16 titulo sa Grand Slam.
Hindi magiging madali ang talunin si Williams. Siya ay 46-2 ngayong season at nanalo sa kanyang huling 34 laban, ang pinakamahabang winning streak para sa isang manlalarong babae mula nang magawa ito ng nakatatandang kapatid na si Venus noong 2000 sa kanyang 35.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/hindi-pamilyar-sa-wimbledon-minamataan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment