Monday, July 1, 2013

Demi Lovato, magbibigay ng scholarship bilang parangal sa namayapang ama

DEMI Lovato


(CNN) — Ibinunyag ni Demi Lovato na may mental illness ang kanyang ama bago ito pumanaw.


Pumanaw kamakailan ang amang si Patrick ng 20-anyos na singer sa sakit na cancer. At ibinunyag ni Demi na dumanas ng sakit sa pag-iisip ang ama.


Dati nang iniulat na siya at ang kanyang ama ay ilang taon nang hindi nagkakasama, ngunit mahal na mahal pa rin ito ni Demi.



“I’ve dealt with mental illness. My father dealt with mental illness,” sabi niya sa kanyang paglabas sa Good Morning America noong Hulyo 27. “He wasn’t able to function very well in society.”


Nilalabanan ni Demi ang bipolar disorder, at dati na ring inamin ang mga isyu niya sa pananakit sa sarili at eating disorder.


Ginamit ng bituin ang kanyang TV appearance upang ipahayag na magtatayo siya ng scholarship bilang parangal sa kanyang ama upang matulungan ang isang tao na bayaran ang pagpapagamot sa mental illness.


“I’m working with Cast Recovery, a treatment center I’ve worked really, really closely with, and I have trust in their program,” sabi niya.


Idinagdag ng X Factor judge na hindi sila naging malapit ng ama.


Ilang linggo bago mamatay, nanawagan si Patrick sa anak sa pamamagitan ng via Radar Online, sinabi sa website na “[I] just wanted his little buddy back”.


“My father and I didn’t have the most ideal relationship,” pag-amin ni Demi sa kanyang TV interview. “But at the end of the day, he’s still my dad. And I grew up with him, he was a wonderful person. And it’s difficult. But I’m handling it OK.”


Nagbigay pugay din si Demi sa suporta ng kanyang mga tagahanga sa panahon na nahihirapan siya sa kanyang buhay.


“The best thing about my fans is they have stood by me for everything I’ve been through,” wika ni Demi. “And this past week has been a rough week. I had incredible support from them.”


Abala ngayon ang bituin sa promosyon ng kanyang bagong single, na Made in the USA.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/demi-lovato-magbibigay-ng-scholarship-bilang-parangal-sa-namayapang-ama/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment