Monday, July 1, 2013

Howard, balak kumbinsihin ni Bryant

Balak ni Kobe Bryant na maging bahagi sa presentasyon bukas upang makumbinsi ang sentro at free-agent na ngayon na si Dwight Howard na muling pumirma sa prangkisa, isang source mula sa liga ang nagsabi sa Yahoo! Sports.



KOBE Bryant Si Bryant at ang Lakers ay makikipagpulong kay Howard sa Miyerkules upang kumbinsihin itong manatili sa Los Angeles at hinayaang maunang makipag-usap ang Houston, Dallas, Golden State at Atlanta sa kanya. Nag-alok si Bryant na sumama sa grupo na kinabibilangan ng pamilyang Buss, general manager na si Mitch Kupchak at posibleng ang maging coach na si Mike D’Antoni.


Naging maligamgam ang relasyon nina Howard at Bryant ngunit patuloy na may komunikasyon ngayong offseason.


Si Howard, 27-anyos, ay maaaring pumirma ng limang taong kontrata na nagkakahalaga ng $117-milyon upang manatili sa Lakers. Siya ay may mga pagpaparamdam ng kanyang pagnanais na lumipat sa Houston Rockets, ayon pa sa source sa Yahoo! Sports, ngunit walang sinuman ang nagsasabing ayaw na niyang manatili sa Lakers.


Maaaring mapapirma ng Houston si Howard sa isang four-year contract na nagkakahalaga ng $88-milyon.


Si Bryant ay kasalukuyang nagpapagaling matapos mapunit ang Achilles at layon nitong makabalik sa pagbubukas ng 2013-14 season.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/02/howard-balak-kumbinsihin-ni-bryant/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment