Wednesday, May 1, 2013

Localized peace talk sa NPA

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP)ang mungkahi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na direktang pakikipag-usap ng gobyerno sa ground level sa bansa sa halip na mga lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s ArmyNational democratic Front (CPP-NPANDF) sa Netherlands.



Naniniwala si AFP Chief of Staff General Emmanual Bautista Jr., na malaki ang maitutulong nito upang maisulong ang usapang pangkapayapaan. Sa pamamagitan aniya ng direktang pakikipagusap sa mga nasa ibaba na madalas makasagupa ng mga sundalo, maipapaabot ang nais ng gobyerno para sa mga rebeldeng nasa kabundukan na tunay na nakikipaglaban at matutugunan ang kanilang mga tunay na hinaing upang solusyonan ang walang kuwentang patayan ng kapwa Pilipino. – Fer Taboy




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/localized-peace-talk-sa-npa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

NAKAPORMA PA

Nuggets, nakarekober sa Game 5


KENNETH Faried DENVER (AP) – Nakarekober ang Denver Nuggets mula sa sunud-sunod na pagkatalo upang mapigilang mapatalsik sa pamamagitan ng 107-100 panalo kontra Golden State Warriors.


Pinabagal ng Nuggets ang mga guwardiya ng Golden State at bumangko sa kanilang transition game upang makakuha ng 22 puntos na abante bago naharang ang rally ng Warriors sa fourth quarter.



Nakatakda ang Game 6 bukas sa Oakland. Lamang ang Golden State sa serye, 3-2.


Dahil sa panalo, naiwasan ng Nuggets na tuluyang malaglag sa first round sa ikaapat na sunod na season at ikasiyam sa huling 10. Ang kanilang huling paglusot sa first round ay noong 2009, kung saan tinalo sila ng Los Angeles Lakers sa Western Conference finals.


Naglista si Andre Iguodala ng 25 puntos at 12 rebounds, 19 puntos at 10 assists ang nagmula kay Ty Lawson, at nagdagdag si Kenneth Faried ng 13 puntos at 10 boards.


Naging malamig naman si Stephen Curry, nagmintis sa kanyang unang limang 3-pointer, bago nakabuslo ng isa sa huling 5:09 upang hilahin ang Golden State sa 96-91.


Siya ay nagtapos na may 1-of-7 shooting mula sa arko at umiskor ng 15 puntos. Nanguna si Harrison Barnes para sa Golden State sa kanyang 23 puntos at 9 rebounds.


Sinagot ni Faried ang nag-iisang 3-pointer ni Curry nang isalaksak nito ang isang dunk upang gisingin ang Nuggets na nalingat at hinayaan ang Golden State na magkaroon ng 11-0 run sa ikaapat na yugto na pinangunahan ni Klay Thompson.


Hindi pumasok ang magkasunod na tres nina Curry at Thompson na magdidikit sana sa kanila sa dalawang puntos sa huling dalawang minuto, binigyan ni Wilson Chandler ng mas malaking espasyo ang Nuggets nang magpakawala ito ng sariling 3-pointer para sa 103-95 iskor. Nagtapos si Chandler na may 19 puntos.


Matapos na makatikim ng tatlong sunod na pagkatalo ang Nuggets, ipinako ni coach George Karl ang kanilang pag-asa sa kanilang pagbabalik sa Pepsi Center, kung saan hindi pa natatalo ng dalawang sunod ang Nuggets mula noong Pebrero 8-9, 2012.


Sa pagdidikta ni Faried sa tempo ng laro, at mahigpit na pagdedepensa nito kay Andrew Bogut, sumirit sa 36-22 na abante ang Nuggets sa kanilang pinakamagandang quarter sa serye.


Nakatala ang iskor sa 44-31 nang itulak nito ng malakas si Faried dahilan upang tumilapon ito mula sa ilalim ng net. Tinawagan si Bogut ng flagrant-1 foul at naibuslo ni Faried ang 1 sa dalawang free throws nito na sinundan ng layup ni Andre Miller.


Susubukin ng Nuggets na maitabla ang serye sa 3-3 sa Oakland at ibalik ang laban sa Denver para sa Game 7 rubbermatch.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/nakaporma-pa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Model Kylie Bisutti: ‘I felt like a piece of meat’

Walang heavenly memories sa kanyang employer si Kylie Bisutti, ang dating modelo na nanalo sa Victoria’s Secret Angel Search competition noong 2009.


Sa kanyang bagong librong I’m No Angel, sinabi ng 23-anyos na pakiramdam niya ay “piece of

meat” siya habang nagtatrabaho para sa Victoria’s Secret at piniling ipagpalit ang kanyang lingerie sa tahimik na buhay sa Montana.



Sa isang excerpt na nakuha ng New York Post, ginunita ng Bisutti ang isang pagkakataong nakahiga siya sa kama ay halos walang saplot habang hinihikayat siya ng photographer na mag-pose nang mas seksi pa.


“That’s when it hit me. I was being paid to strip down and pose provocatively to titillate men. It wasn’t about modeling clothes anymore; I felt like a piece of meat,” sulat ni Bisutti.


“The next day, I broke down and started sobbing. I was in my bedroom and dropped to my knees and started to pray. ‘God, why did you have me win the Victoria’s Secret Angel competition if it was going to make me feel this way? I’m not honoring my husband. I just want answers!’“


Inihayag ni Bisutti noong Pebrero 2012 na titigil na siya sa pagmomodelo at ilalaan ang kanyang katawan “for her husband.“




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/model-kylie-bisutti-i-felt-like-a-piece-of-meat/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

BEIs humirit ng dagdag-honorarium

Nais ng mga guro na mabigyan sila ng mas malaking honorarium para sa pagsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa May 13 midterm elections.


Nagtungo ang grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila upang ipaabot ang kanilang panawagan.



Ayon kay ACT chairperson Benjie Valbuena, nais nilang mula sa P3,000 ay itaas ang honorarium ng mga BEI sa P6,000 lalo na’t “by clustered“ na ang mga presinto ngayon.


“Ilang araw na lang eleksyon na, wala pa ring sinasabi si chairman (Sixto Brillantes Jr.) kung madadagdagan yung aming compensation. Yung totoo, nabawasan pa. Dating P4,300 ay naging P4,000 na lang,“ aniya pa.


Hindi rin aniya nagbigay ng anumang paliwanag si Brillantes kung bakit nabawasan ang kanilang honorarium. Sakaling hindi talaga kakayanin, ibalik na lamang sana ng poll body ang inalis nitong P300 sa honorarium ng mga BEI noong 2010 elections.


Nabatid na dati ay may P4,300 allowance ang mga guro ngunit ngayon ay P4,000 na lamang ang kanilang matatanggap.


Ngunit ayon kay Brillantes, hindi nabawasan ang allowance ng mga guro.


“Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng bumaba. Check on it, kung bumaba ibabalik namin.

Ang alam ko hindi bumababa,“ ani Brillantes.


Ipinaliwanag niya na ang mga gurong nagsilbi noong 2010 polls ay tumanggap ng P3,000 honoraria; P500 para sa inspection, verification at sealing of Book of Voters; P500 para sa Final Testing at Sealing ng mga PCOS machine at P300 para sa one-time transportation allowance ng mga ito o kabuuang P4,300. Ngayong 2013, inaasahang makakatanggap sila ng P3,000 na honoraria, P500 para sa Final Testing at Sealing ng mga PCOS machines at tinaasan pa ang one-time transportation allowance at ginawang P500 o kabuuang P4,000.


Nabawasan lamang aniya ang bayad sa mga guro dahil nabawasan rin ang kanilang trabaho. Dati kasi ay binibigyan sila ng karagdagang P500 para sa inspection, verification at sealing ng Book of Voters, na hindi na nila magiging tungkulin bilang BEI ngayong May 13 midterm elections. – Mary Ann Santiago




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/beis-humirit-ng-dagdag-honorarium/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Presyo ng baboy, manok, tumaas

Matapos tumaas ang presyo ng mga de lata at noodles noong nakaraang linggo, tumaas naman ngayon ang presyo ng baboy at manok sa mga pamilihan sa Metro Manila.


Ang baboy ay nagdagdag ng P5 hanggang P15 bawat kilo at mabibili na sa halagang P195. Ang manok ay nagtaas ng P5 hanggang P10 at ibinebenta na ngayon sa presyong P130 P140 kada kilo.



Katwiran ng mga tindero napipilitan silang magtaas ng presyo dahil mahal ang kuha nila sa mga supplier. Nakadagdag pa rito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng feed at matinding init ng panahon na nararanasan sa bansa kung kaya kinakailangan pa ng maayos na pangangalaga sa poultry at babuyan gaya ng bentilasyon o air conditioning sa mga alagang hayop upang maiwasan ang biglaang pagkamatay ng mga ito. – Bella Gamotea




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/presyo-ng-baboy-manok-tumaas/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Gawa 15:7-21 Slm 96 Jn 15:9-11

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin n’yo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko tulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. “Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo.“



PAGSASADIWA

Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko. Sadyang napakahirap pantayan ang pagmamahal ng Diyos na ipinakita niya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesus. Ipinakita at itinuro din naman sa atin ng Panginoon na may magagawa tayo para tugunan ang kabutihang ito ng Diyos: ang pagtupad sa kanyang mga utos. Ang manatili sa kabutihan, pagpapala, at kagalakan ng Diyos ay may kaakibat na sakripisyo sa pamamagitan ng pagiging masunurin natin sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang taong makasarili at mapag-imbot ay walang kakayahang tumupad sa utos ng Diyos, subalit ang nagpapakumbaba ay may kagaanang manatili sa pagmahahal ng Diyos.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/gawa-157-21-slm-96-jn-159-11/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

SEA Junior Filipino wrestlers seek 3 golds in Thailand



With a goal of coming home with at least three golds, 17 Filipino wrestlers will compete in the 6th Southeast Asian Junior and Cadet Wrestling Championships starting tomorrow in Suphanburi, Thailand. The Philippine team fielded only three wrestlers in last year's edition of the meet and garnered two bronze medals courtesy of Joshua Gayuchan of Ifugao Province and Alvin Lobreguito of Quezon ...

View the original article: http://www.bignewsnetwork.com/index.php/sid/214217511/scat/0267775d6f1c3971



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!