Matapos tumaas ang presyo ng mga de lata at noodles noong nakaraang linggo, tumaas naman ngayon ang presyo ng baboy at manok sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ang baboy ay nagdagdag ng P5 hanggang P15 bawat kilo at mabibili na sa halagang P195. Ang manok ay nagtaas ng P5 hanggang P10 at ibinebenta na ngayon sa presyong P130 P140 kada kilo.
Katwiran ng mga tindero napipilitan silang magtaas ng presyo dahil mahal ang kuha nila sa mga supplier. Nakadagdag pa rito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng feed at matinding init ng panahon na nararanasan sa bansa kung kaya kinakailangan pa ng maayos na pangangalaga sa poultry at babuyan gaya ng bentilasyon o air conditioning sa mga alagang hayop upang maiwasan ang biglaang pagkamatay ng mga ito. – Bella Gamotea
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/presyo-ng-baboy-manok-tumaas/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment