Wednesday, May 1, 2013

BEIs humirit ng dagdag-honorarium

Nais ng mga guro na mabigyan sila ng mas malaking honorarium para sa pagsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa May 13 midterm elections.


Nagtungo ang grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila upang ipaabot ang kanilang panawagan.



Ayon kay ACT chairperson Benjie Valbuena, nais nilang mula sa P3,000 ay itaas ang honorarium ng mga BEI sa P6,000 lalo na’t “by clustered“ na ang mga presinto ngayon.


“Ilang araw na lang eleksyon na, wala pa ring sinasabi si chairman (Sixto Brillantes Jr.) kung madadagdagan yung aming compensation. Yung totoo, nabawasan pa. Dating P4,300 ay naging P4,000 na lang,“ aniya pa.


Hindi rin aniya nagbigay ng anumang paliwanag si Brillantes kung bakit nabawasan ang kanilang honorarium. Sakaling hindi talaga kakayanin, ibalik na lamang sana ng poll body ang inalis nitong P300 sa honorarium ng mga BEI noong 2010 elections.


Nabatid na dati ay may P4,300 allowance ang mga guro ngunit ngayon ay P4,000 na lamang ang kanilang matatanggap.


Ngunit ayon kay Brillantes, hindi nabawasan ang allowance ng mga guro.


“Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng bumaba. Check on it, kung bumaba ibabalik namin.

Ang alam ko hindi bumababa,“ ani Brillantes.


Ipinaliwanag niya na ang mga gurong nagsilbi noong 2010 polls ay tumanggap ng P3,000 honoraria; P500 para sa inspection, verification at sealing of Book of Voters; P500 para sa Final Testing at Sealing ng mga PCOS machine at P300 para sa one-time transportation allowance ng mga ito o kabuuang P4,300. Ngayong 2013, inaasahang makakatanggap sila ng P3,000 na honoraria, P500 para sa Final Testing at Sealing ng mga PCOS machines at tinaasan pa ang one-time transportation allowance at ginawang P500 o kabuuang P4,000.


Nabawasan lamang aniya ang bayad sa mga guro dahil nabawasan rin ang kanilang trabaho. Dati kasi ay binibigyan sila ng karagdagang P500 para sa inspection, verification at sealing ng Book of Voters, na hindi na nila magiging tungkulin bilang BEI ngayong May 13 midterm elections. – Mary Ann Santiago




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/beis-humirit-ng-dagdag-honorarium/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment