VALIDATION NG REGISTRATION, SIMULA NGAYON
Ni Mary Ann Santiago
Mahigit siyam na milyong botante ang nanganganib na ma-deactivate at hindi makaboto sa presidential elections sa Mayo 2016 dahil sa kawalan ng biometrics data sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Comelec ang mga botante na wala pang biometrics data na sisimulan
na ngayong Lunes, Hulyo 1, ang validation ng registration records gamit ang biometrics system ng mga nais makaboto sa 2016.
“Voters, whose biometrics data have not been captured or those who have incomplete biometric data, may validate their registration records starting July 1,” saad sa Comelec Resolution No. 9721.
Nagbabala rin ang Comelec na ang mga mabibigong magpa-validate ng voter’s registration ay maaaring magresulta sa kanilang deactivation sa listahan ng mga botante.
Batay sa datos ng Comelec, aabot sa 9,018,256 botante ang nanganganib na ma-deactivate sa kawalan ng biometrics data.
Alinsunod sa RA 10367 (Mandatory Biometrics Registration Act of 2013), ang mga botante na mabibigong magpavalidate bago ang eleksiyon sa 2016 ay made-deactivate mula sa voters’ list at hindi papayagang makaboto.
Nabatid na ang mga tanggapan ng Comelec ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Kailangan lang na magdala ng kahit anong mapagkakakilanlan, gaya ng employees identification card (ID), na may lagda ng employer o authorized representative; postal ID; students ID o library card, na may lagda ng school authority; senior citizen ID; driver’s license; NBI/PNP clearance; pasaporte; SSS/GSIS ID; Integrated Bar of the Philippine (IBP) ID; at Professional Regulatory Commission (PRC) license.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/9m-delikadong-di-makaboto/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment