Saturday, June 29, 2013

Hollywood actress, inaresto sa pagpapadala ng ricin letter kay Obama

WASHINGTON – Isang aktres na napanood sa mga TV show na gaya ng The Walking Dead at Vampire Diaries ang kinasuhan ng pagbabanta sa pangulo ng Amerika at sa dalawang tao, ayon sa US Department of Justice.


Inaakusahan si Shannon Richardson, 35, ng New Boston, Texas, na nagpadala ng tatlong liham na may mapanganib na ricin noong Mayo 20, kina President Barack Obama, New York Mayor Michael Bloomberg at Mark Glaze, pinuno ng isang gun-control advocacy group.



Nasa kostudiya siya ng pulisya simula nang maaresto nitong unang bahagi ng Hunyo sa Mount Pleasant sa Texas, ayon sa awtoridad.


Iniulat naman online ng lokal na pahayagang The Texarkana Gazette na buntis si Shannon.


Sa criminal complaint na inihain noong unang linggo ng Hunyo, sinabing ginawa ni Shannon ang lason sa loob ng kanyang bahay, na tahanan nila ng kanyang asawa at apat na anak. Gumamit ang aktres ng castor beans na inorder niya sa Internet.


Kung mapaptunayang nagkasala, maaaring makulong si Shannon ng hanggang limang taon sa bawat kaso.


Una nang tumawag si Shannon sa FBI upang iulat ang posibilidad na ang asawa niya ang nagpadala ng mga liham na may ricin, ngunit napagtanto ng mga imbestigador na siya mismo ang nagpadala ng mga sulat, ayon sa mga naunang ulat.


Ang mga liham na ipinadala kina Obama at Bloomberg ay may kaunting ricin, nagsasaad ng pagtutol sa gun control at nadiskubre sa routine mail screening. Walang napahamak.


Samantala, iniulat din ng Texarkana Gazette na naghain ng diborsiyo ang asawa ni Shannon na si Nathan Richardson noong linggong arestuhin ang aktres. – Deutsche Presse Agentur




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/30/hollywood-actress-inaresto-sa-pagpapadala-ng-ricin-letter-kay-obama/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment