Asam ang anim sunod na kampeonato; NU, mabigat na kalaban
Ni Marivic Awitan
Mga laro ngayon: (MOA Arena)
8 a.m. La Salle-Zobel vs. Adamson (jrs.)
10 a.m. UST vs. FEU (jrs.)
2 p.m. Adamson vs. UP (srs.)
4 p.m. Ateneo vs. NU (srs.)
Sisimulan ng reigning 5-time titlist champion Ateneo de Manila ang kanilang kampanya tungo sa inaasam na record na ikaanim na sunod na korona sa kanilang pagtutuos ng preseason favorite National University sa pagpapatuloy ng 76th UAAP basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City ngayon.
Kung siya ang personal na bibigyan ng pagkakataong pumili, inamin ng bagong Ateneo coach na si Dolriech Perasol na hindi niya gugustuhing makalaban ang NU sa kanilang unang laro.
“If I only I have a choice, I won’t choose NU to be our first opponent,“ pahayag ni Perasol.
Ayon sa Blue Eagles mentor na siyang nagmana sa posisyon na binakante ni dating Ateneo coach Norman Black, ang tanging maipangangako niya ay ang gawin at ibigay ang lahat ng kanilang makakayanan upang makasabay sa Bulldogs.
Bago magsimula ang season, kinailangan ng Blue Eagles na magwithdraw sa kanilang partisipasyon sa pre-season tournament sa FilOil matapos ang eliminations dahil sa problema sa kalusugan ng ilan nilang key players, partikular ng kanilang big men.
Ngunit ibinalita kamakailan ni Perasol na sa anim nilang injured players, lima ang nakabalik at ngayo’y kasama na sa kanilang official roster na kinabibilangan nina Von Pessumal, Gwynne Capacio, Giboy Babilonia, Frank Golla at JP Erram.
Sa panig naman ng Bulldogs, inaasahan naman ni coach Eric Altamirano ang mabigat na laban kontra sa Ateneo dahil na rin sa taglay na championship experience ng mga ito.
Bagamat nawala ang ilan sa key players ng koponan na kinabibilangan ng back-to-back finals MVP na si Nico Salva at Greg Slaughter, sinabi ni Altamirano na malakas pa rin ang puwersa ng kanilang kalaban.
“Ateneo is still a tough team to beat. We expect them to play their winning ways,” ayon kay Altamirano. “We expect the players to really play their best and that’s what we should be wary of.” Una rito, magkakasukatan naman ang Adamson Falcons at University of the Philippines Fighting Maroons.
Aminado si UP coach Ricky Dandan na dehado sila sa kalaban.
Gayunman, gagawin naman niya ang lahat upang hindi mapahiya sa suportang ipinakikita ng UP community, lalo na ng kanilang mga alumni.
Sa panig naman ni coach Leo Austria, naniniwala siyang mahirap makuha ang unang panalo kaya naman hindi sila dapat na magkumpiyansa at kailangan na lagi silang maging alerto.
Samantala, sa juniors division, sisimulan ng defending champion FEU ang kanilang kampanya para sa target na back-to-back crown sa pagsagupa sa UST sa huling juniors match sa ganap na alas-10:00 ng umaga.
Magtutuos naman para sa pambungad na laro ang De La Salle Zobel at ang Adamson sa ganap na alas-8:00 ng umaga.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/30/admu-magpupursige/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment