Maaring umalis si Dwight Howard, habang inaasahan namang mananatili si Chris Paul, at marami pang mangyayari sa labas ng Los Angeles oras na magbukas ang free agency sa NBA.
Ang mga manlalarong sina Josh Smith, David West, Andrew Bynum at Al Jefferson ay maaari ring maging mga free agent pagsapit ng hatinggabi.
Nangunguna si Howard sa listahan matapos ang hindi naging magandang season sa Lakers. Nais ng koponan na siya’y manatili, at kayang higitan ang alok ng iba ng aabot sa $30-milyon, ayon sa pamantayan ng NBA, ngunit ang mga koponan tulad ng Houston, Dallas, at Atlanta ay maaaring sumubok na kumbinsihin siya na tumanggap ng mas mababang bayad.
Hindi siya akma sa sistema ni Mike D’ Antoni para sa opensa at may posibilidad na lumipat sa kanyang ikatlong tahanan sa loob lamang ng isang taon mula nang ma-trade mula Orlando para sa Los Angeles noong nakaarang Agosto.
Kasama sa nasabing deal si Bynum na napunta mula Lakers sa Philadelphia sa isang four-team trade. Hindi siya naglaro buong season dahil sa problema sa tuhod at maaaring lisanin ang koponan na hindi nakapaglaro kahit isang beses para sa 76ers.
Mas masaya naman ang Clippers kay Paul, at marami siyang dahilan upang manatili sa Los Angeles. Nakopo ng Clippers ang kanilang unang Pacific Division title nitong katatapos na season at ngayon ay may bagong coach kay Doc Rivers.
Maaaring makipagsundo ang mga player anumang oras matapos magbukas ang free agency ngunit hindi maaaring pumirma ng kontrata hanggang Hulyo 10 kung kailan may bagong sukatan para sa salary cap.
Dito magiging opisyal ang blockbuster trade na nagpadala kay Kevin Garnett mula Boston patungong Brooklyn.
Hinahabol ng mga koponan ang two-time champion na Miami Heat na susubukang maitali ang reserve na si Chris Andersen. Mabibiyak naman ang Big Three ng San Antonio Spurs sakaling hindi na muling pumirma sa kanila ng kontrata si Manu Ginobili. Ang starter na si Tiago Splitter ay isang restricted free agent at nangangahulugan ito na maaaring tapat ng Spurs ang anumang alok para sa kanya.
Ang iba pang kilalang pangalan sa free agency ay kinabibilangan ng Olympian na si Andre Iguodala ng Denver at Sixth Man of the Year na si J.R. Smith ng New York.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/nba-free-agency-kaabang-abang/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment