Nang papalapit na ang panahon ng pagaakyat sa kanya, tahasang ipinasya ni Jesus na pumunta sa Jerusalem. Habang naglalakad sila, may nagsabi kay Jesus: “Susunod ako sa iyo saan ka man pumunta.“ At sinabi sa kanya ni Jesus: “May lungga ang mga asonggubat at may mga pugad ang mga ibon; ang Anak ng Tao nama’y wala man lang mahiligan ng kanyang ulo.“ At sinabi naman niya sa isa: “Sumunod ka sa akin.“ Sumagot naman ito: “Pauwiin mo ako para mailibing ko muna ang aking ama.“ Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus: “Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay; humayo ka naman at ipangaral ang kaharian ng Diyos.“
PAGSASADIWA
Malayang Naglilingkod Sa ating ganap na pagsunod sa Diyos, kailangang iwan din natin ang ginawa nating mga pamatok, at magpasakop tayo sa pamatok na kaloob sa atin ni Kristo. Sa Bagong Tipan, radikal na pagsunod sa Diyos ang hini hingi sa atin ni Jesus. Hindi pina hin tulutang magpaalam sa kanyang mga kasambahay ang naghangad maging alagad. Hinahamon tayong maglagak ng buong tiwala sa pagkalinga ng Diyos. Hina hamon din tayong magararo sa bukirin ng Diyos, tanawin ito hanggang dulo at huwag nang lingunin ang mga iginatong nating pamatok.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/30/h-1916b-1921-slm-16-gal-51-1318-lc-95162/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment