Sunday, June 30, 2013

Ely Buendia, iinterbyuhin ni Arnold Clavio

TIYAK na matutuwa ang mga tagahanga ng Eraserheads sa rare chance na mapanood sa telebisyon ang main man ng banda na labis nilang hinahangaan.


Ely Buendia Makakapanayam kasi ni Arnold Clavio si Ely Buendia ang reclusive rocker na isa na sa mga icon ng Philippine music industry si Ely Buendia, sa Tonight With Arnold Clavio bukas, 10:30 PM, sa GMA News TV.



Kasama ang The Oktaves, ang kanyang banda ngayon, tutugtugin ni Ely sa show ang ilan sa kanyang mga pinakabagong kanta.


Magkukuwento rin si Ely kung ano ang naging inspirasyon niya sa bagong tunog ng kanyang mga awitin ngayon, pati na kung paano nabuo ang The Oktaves na kinabibilangan nina Nitoy Adriano (dating gitarista ng The Jerks), Ivan Garcia, Bobby Padilla, Chris Padilla na mula naman lahat sa bandang Hilera.


Itatanong din sa kanila ni Arnold ang kalagayan ngayon ng OPM, isyu ng piracy, at ang nagsusulputang YouTube sensations.


Pero bago si Ely Buendia bukas, panoorin muna ngayong gabi ang madamdaming dokumentaryong “Sayaw sa Alon“ ni Howie Severino sa I-Witness at kilalanin ang isa sa mga pinakakilalang surfer sa La Union.


Namumukod-tangi sa bayan ng San Juan, La Union si Ronie “Poks“ Esquivel na ipinanganak na putol ang isang binti pero hindi niya inaalintana dahil nakisakay pa siya sa naglalakihang mga alon tulad ng ibang surfer na kumpleto ang katawan.


Mula La Union, nasakyan na ni Poks ang mga alon sa international surfing competitions sa Australia at iba pang mga bansa sa Southeast Asia. Pero biglang naudlot ang makinang niyang career sa surfing nang bigla siyang mamaalam sa edad na beinte siyete.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/ely-buendia-iinterbyuhin-ni-arnold-clavio/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment