Saturday, June 29, 2013

Emma Watson, pinakasimpleng Hollywood celebrity

Gumaganap man siyang magnanakaw na party girl sa pelikulang The Bling Ring na idinerehe ni Sofia Coppola, ngunit iginiit ni Emma Watson na kabaligtaran siya ng kanyang fame-hungry, fashion-loving character niya na si Nicki.



EMMA Watson Inamin ni 23-anyos sa Teen Vogue na mahilig siya sa red carpet fashions mula sa Chanel hanggang sa Dior, ngunit mabilis niyang ipinunto sa isang panayam ng “Radio Times” na hindi siya ang tipikal na celebrity fashion fiend.


“I’ve got about eight pairs of shoes and that’s it,” pagbubunyag niya sa radio show.


Maaaring ikumpas lamang niya ang kanyang Hollywood wand at agad na siyang magkakaroon ng sapatos, pero nananatili siyang karaniwan na may pag-aaring mga sapatos na hindi lalampas sa 10 pares, ang isa ay nagmula pa sa basic retailer. “[I’ve got] 4-inch, little brown Bebe shoes.”


Ang heels na ito ay budget-friendly (halos $150 lamang kumpara sa $750 na Jimmy Choo), at nakagugulat na choice kung pagbabatayan ang katotohanan na ang British beauty ay may kayamanan na tinatayang aabot sa $40 milyon.


Dapat bang ikagulat ang kanyang shocking shoe admission? Hindi rin. Sa panayam noong Agosto ng Teen Vogue, ipinaliwanag ni Emma na nagpasya siya noong siya ay 9 anyos na pananatilihing normal ang kanyang buhay, hanggang sa puntong hindi niya maiisip na sikat siya.


“I think, in a way, I was very protected during Harry Potter, because I was working all the time,” wika niya. “I would get in the car, go to the studio, and go home.”


Sa katunayan, wala siyang kamalay-malay na sikat siya hanggang sa araw na nagpasya siyang pumasok sa Brown University noong 2009.


“It sounds stupid,” aniya, “or completely unbelievable, but that was when I really realized that I was famous. There are still days when I deal with it horribly and there are days when I deal with it really well.”


Narerendahan ni Emma ang kanyang matinding kasikatan sa pamamagitan ng kanyang malalapit na kaibigan noon pa mang hindi pa siya sikat. “I feel a bit wobbly before hitting a red carpet. So it’s always nice to bring friends, especially because I love to see their reactions. It’s not normal to get out of a car and have, like, 80 people screaming at you, and so when they say, ‘This is crazy,’ it makes me feel slightly more sane.”


At para mapanatili ang kanyang katinuan, regular niyang isinasantabi ang fancy wardrobe at makapal na makeup pabor sa mas simpleng look, sinabi sa magazine na fan siya ng wallet-savvy retailer na Topshop.


“I try not to wear makeup all the time. It is nice to give your skin a bit of breathing and space. Generally, I wear a lot of sunscreen,” paliwanag niya.


Hayan, si Emma Watson na marahil ang most down-toearth celebrity sa kasaysayan ng Hollywood.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/30/emma-watson-pinakasimpleng-hollywood-celebrity/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment