Ulat nina Rommel Tabbad, Bella Gamotea at Fer Taboy
Tatama sa lupa ngayong Linggo ang bagyong “Gorio“ kaya pinakilos na ng Malacañang ang mga ahensiya ng pamahalaan sa 37 lugar sa Luzon at Visayas na maapektuhan ng kalamidad.
Ito ang pagtaya kahapon ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Officer-in-Charge Vicente Malano kasabay ng pabibigay babala sa mga residente sa 37 lugar sa Luzon at Visayas na apektado ng bagyo.
Ayon kay Malano, ang mata ng bagyo ay huling namataan sa layong 30 kilometro TimogSilangan ng Catbalogan, Samar.
Taglay pa rin ni tropical storm Gorio ang lakas ng hanging 65 kilometer per hour (kph) at pagbugsong papalo sa 80 kph.
Si Gorio aniya ay may bilis na 19 kph habang tinatahak ang direksyong Hilagang Kanluran. kahapon, nag-landfall na si Gorio sa mga bayan sa Hernani, Eastern Samar.
Kabilang sa mga lugar na isinailalim sa Signal No. 2 ay Ticao at Burias Island sa Masbate, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Marinduque, Quezon (kasama ang Polilio Island), Samar, Biliran at Leyte.
Isinailalim naman sa Signal No. 1 ang Romblon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bataan, Bulacan, Zambales, Tarlac, La Union, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Southern Leyte, Capiz, Aklan, Northeastern Iloilo, Northern Cebu (kasama ang Camotes at Bantayan Island) at Metro Manila.
Personal na nagsagawa ng inspeksiyon si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino ang mga tarpaulin at billboard na nakatayo sa mga lansangan ng Metro Manila bunsod ng pagdating ni “Gorio.“
Giit ang kaligtasan ng publiko, sinabi ni Tolentino na awtomatiking binabaklas o itinitiklop ang malalaking tarpaulin o billboard tuwing may bagyong tatama sa Metro Manila.
Umabot naman sa 2,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region matapos pagbawalan ng Philippine Coast Guard ang mga sasakyang pandagat na maglayag. Inaasahang dalawang beses munang tatama ito sa kalupaan sa Katimugang Luzon.
Magkakaroon din umano ng pagtama sa Burias, Masbate at sa Katimugang Quezon.
Incoming search terms:
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/30/gorio-makaaapekto-sa-37-lalawigan-kabilang-mm/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment