LONDON (Reuters) – Umentra si Andy Murray na ang ekspektasyon ay para sa kanyang unang Wimbledon title sa Center Court roof kung saan ay napahanay na ito sa last 16.
Sa isang mainitang labanan sa All England club, pinataob ng steely-eyed na si Murray si Spaniard Tommy Robredo, 6-2, 6-4, 7-5, upang manatiling nasa course at target na tapusin na ang 77-taong paghihintay ng Britain para sa inaasam na men’s singles champion.
Klarong ipinamalas ng world number two, asam ang unang Wimbledon title matapos ang kanyang U.S. Open crown na napagwagian noong nakaraang taon, ang magandang signal sa lahat at malinis na paghakbang sa kanyang daraanan.
Sa kanyang huling siyam na slams, napagtagumpayan ni Murray ang isa, tumuntong ito sa tatlong finals, naisakatuparan ang apat na semis at tanging lamang ang natamong pagkatalo sa quarterfinal.
Samantala, sumadsad si Portugal’s Larcher de Brito, dinala ang dating champion na si Maria Sharapova na mag-empake ng kanyang dala-dalahan, sa 7-5, 6-2 kay Italy’s 104th-ranked Karin Knapp.
Umentra rin si German Dustin Brown, nanggaling sa second-round win kontra kay dating champion Lleyton Hewitt noong Miyerkules, na sadyang umaasa na makararating sa last 16 ngunit natamo nito ang nakadidismayang pagkatalo kay Frenchman Adrian Mannarino.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/30/wimbledon-title-naaamoy-ni-murray/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment