Friday, March 1, 2013

Fighting Involving Philippine Group in Malaysia 14 Killed



At least 14 people have been killed in fighting between Malaysian security forces and an armed Philippine group. The police chief in Malaysia's Sabah state -- Hamza Taib -- said 12 members of ...

View the original article: http://www.bignewsnetwork.com/index.php/sid/212923522/scat/0267775d6f1c3971



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Pope Emeritus Benedict XVI, ordinaryong pilgrim na; nagpasalamat sa suporta

Idineklara na ng Simbahang Katoliko na ‘sede vacante’ o bakante na ang posisyon ng Papa nang ganap na bumaba na sa puwesto si Pope Emeritus Benedict XVI dakong 8:00 ng gabi (oras sa Roma o 3:00 ng madaling araw noong Biyernes sa Pilipinas).



Nabatid na isang oras bago ang pagbaba sa puwesto ay inihatid ng isang helicopter mula sa Vatican si Pope Emeritus Benedict XVI sa Castel Gandolfo na siyang Papal summer residence kung saan ay sinalubong siya ng mga tagasunod.


Kaagad namang dumungaw ang Papa sa balkonahe para batiin ang mga nag-aabang sa kanya.


Sa kanyang maigsing mensahe, nagpasalamat ang Papa sa lahat ng nagdasal at sumuporta sa kanya hanggang sa pagbibitiw niya sa puwesto. Aniya, isa lamang siyang ordinaryong pilgrim na nasa huling bahagi na ng kanyang paglalakbay.


Nangako rin ito na patuloy na ipagdarasal ang Simbahang Katoliko at susunod at magiging tapat sa bagong Papa.


“Dear friends, I’m happy to be with you, surrounded by the beauty of creation and your well-wishes which do me such good. Thank you for your friendship, and your affection. You know this day is different for me than the preceding ones: I am no longer the Supreme Pontiff of the Catholic Church, or I will be until 8 o’clock this evening and then no more,” pahayag ng Papa.


“I am simply a pilgrim beginning the last leg of his pilgrimage on this Earth. But I would still … thank you … I would still with my heart, with my love, with my prayers, with my reflection, and with all my inner strength, like to work for the common good and the good of the church and of humanity. I feel very supported by your sympathy,” bahagi pa ng kanyang mensahe.


“Let us go forward with the Lord for the good of the Church and the world. Thank you, I now whole-heartedly impart my blessing. Blessed be God Almighty, Father, Son and Holy Spirit. Good night! Thank you all!” giit pa nito.


Pagsapit ng 8:00 ng gabi noong Huwebes, umalis naman mula sa Castel Gandolfo para bumalik sa Vatican ang mga Swiss guard na nagbabantay sa Papa upang hintayin ang paghirang sa susunod na Supreme Pontiff.


Nabatid na si Cardinal Tarcisio Bertone ng Italy ang itinalagang Camerlengo o Chamberlain na pansamantalang mamumuno sa Simbahang Katoliko hanggang sa makapaghalal ng bagong Papa ang College of Cardinals sa isasagawang Conclave.


Siya rin ang inaasahang mangangasiwa sa pagbasag ng fisherman’s ring ng dating Papa.


Mapananatili naman ng dating Papa ang “Benedict XVI” sa pangalan nito ngunit tatawagin na siyang Pope Emeritus.


Ang pagbibitiw ng Papa ay una sa loob ng 600 taon.


Sinabi ng 85-anyos na Pope Emeritus na hindi na niya kaya pang gampanan ang kanyang tungkulin dahil sa kanyang katandaan, sanhi upang magpasya siyang bumaba na sa puwesto.


Iginiit rin nito na naging mahirap ang kanyang pasya ngunit ito umano ay para sa ikabubuti ng buong Simbahang Katoliko.


Umaasa naman ang mga Katoliko na bago sumapit ang Palm Sunday ay mahihirang na ng mga Cardinal ang susunod na bagong Papa. – Mary Ann Santiago





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/pope-emeritus-benedict-xvi-ordinaryong-pilgrim-na-nagpasalamat-sa-suporta/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Batas sa biometric registration, nilagdaan

Ganap nang batas ang biometrics registration na magsisilbing daan upang malinis at maisaayos ang talaan ng lahat ng botante sa bansa.


Pinagtibay ng Kamara at Senado, nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang Biometrics Registration Act na matagal nang hinihintay ni Commission on Election Commissioner Sixto Brillantes.



Ang panukala ay niratipikahan sa Senado at sa Mababang Kapulungan sa isang bicameral conference committee matapos mapagkasundo ang mga bersiyon ng HB 3469 at SB 1030 bago ito ipinadala sa tanggapan ng Pangulo.


Sa nakaraang pagdinig na ginawa ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Rep. Elpidio Barzaga, Jr. (Lone District, DasmariƱas City), sinabi ni Brillantes na sa 52 milyong rehistradong botante, nasa siyam na milyon ang hindi pa nagsusumite ng kanilang biometrics.


Ang bagong batas ay tatawaging An Act Providing for Mandatory Biometrics Voter Registration, na naglalayong magtatag ng isang malinis, kumpleto, permanente at updated na talaan ng mga botante sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ng biometrics.


Samantala, ang mga rehistradong botante na hindi pa nakapagsusumite ng biometrics ay kailangang magtungo sa kanilang City o Municipal Election Officers upang maisaayos ito. – Bert de Guzman





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/batas-sa-biometric-registration-nilagdaan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Cambodia orders action to stop deadly bird flu

Chickens are seen at a market in Phnom Penh on March 1, 2013 Phnom Penh on Friday ordered urgent action to stem the "worrying" number of bird flu deaths in Cambodia, following a surge in the number of fatalities from the virus.






View the original article: http://ph.news.yahoo.com/cambodia-orders-action-stop-deadly-bird-flu-202143910.html



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

14 killed in clash at Malaysia-Philippine standoff



KUALA LUMPUR (AFP) - Twelve Filipinos and two Malaysian police officers died in a clash Friday that immediately raised the pressure on dozens of Philippine intruders who are pushing a claim to ...

View the original article: http://www.bignewsnetwork.com/index.php/sid/212921902/scat/0267775d6f1c3971



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Brazil: Venus, umabante sa semifinals

FLORIANOPOLIS, Brazil (AP)- Binigo ni Venus Williams si fifth-seeded Magdalena Rybarikova ng Slovakia, 6-4, 6-0, upang umabante sa semifinals ng Brazil Tennis Cup.


Hinadlangan ng top-seeded American ang serbisyo ni Rybarikova sa 5-4 upang pagwagian ang unang set at maagap na kinontrol ang ikalawang set upang kunin ang panalo sa loob ng 1 oras at 25 minuto sa hard court tournament sa southern Brazil.



Humarap si Williams ng siyam na break points kay 52nd-ranked Rybarikova ngunit nahadlangan lamang ng dalawang beses.


Ang 20th-ranked na si Williams ay naglaro sa kanyang unang tournament simula nang maudlot kay Maria Sharapova sa third round ng Australian Open noong Enero.


Susunod na makakaharap ni Williams si Olga Puchkova ng Russia, inungusan si Jana Cepelova ng Slovakia, 6-1, 6-1, bagamat nagkaroon ito ng walong double faults. Ang 109th-ranked na si Puchkova, na-upset si third-seeded Kirsten Flipkens ng Belgium sa unang round, ay naghahangad na makarating sa kanyang unang finals simula pa noong 2006.


Sa kaagahan ng labanan, dinispatsa ni seventh-seeded Kristina Mladenovic ng France si Melinda Czink ng Hungary, 6-4, 6-3, upang maitakda ang semifinal round kay Monica Niculescu ng Romania.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/brazil-venus-umabante-sa-semifinals/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Ang Swiss Guards ng Vatican

VATICAN CITY (AP) — Sa kanilang plumed helmets at striped uniforms, ang Swiss Guards ay isa sa pinakamamahal na tradisyon ng Vatican — at noong Huwebes gumanap sila ng malaking papel sa makasaysayang pagbibitiw ng papa. Sila ang nakabantay sa pagdating ng papa sakay ng helicopter sa kanyang summer retreat sa mga huling sandali bilang papa. Ang kanilang pag-alis sa duty, ang naging isa sa pinakamalinaw na tanda na hindi na papa si Benedict XVI. Narito ang pagsilip sa Swiss Guards at sa kanilang makulay na kasaysayan.


PINAGMULAN:

Ang hukbo, na itinuturing ng ilang historians na oldest standing army in the world, ay itinatag noong 1506 ni Pope Giulio II. Ayon sa tradisyon, humanga ang papa sa katapangan ng Swiss mercenaries at inalok niya sila na depensahan ang Vatican. Simula noon, sa loob ng mahigit 500 taon, ang Switzerland ay patuloy na nagsusuplay ng mga sundalo sa Vatican. Ang Swiss Guards ay pinapasumpang ibubuwis ang kanilang buhay para protektahan ang papa — at sa mga nakalipas na siglo, ginawa nila ito. Noong 1527, nasawi ang 147 sa kanila sa pagpoprotekta kay Pope Clement VII habang itinatakas siya nang salakayin ng tropa ni Emperor Charles V ang Rome.


ANG GUARDS AT SI BENEDICT:

Ang Swiss Guards ay naging center stage nang si Benedict ay naging unang papang nagbitiw sa loob ng 600 taon. Sila ang sumalubong kay Benedict sa papal residence sa Castel Gandolfo sa timog ng Rome. At pagsapit ng 8 p.m., nagsara ang mga pintuan ng palazzo at umalis na ang Swiss Guards, senyales na natapos na ang kanilang tungkulin para protektahan ang lider ng Simbahang Katoliko — hanggang sa maihalal ang bagong papa. Si Benedict ay poprotektahan na ngayon ng Vatican police. “We are closing the door very symbolically for the end of the pontificate,” sabi ni Swiss Guard Cpl. Urs Breitenmoser.


PANGANGALAP:

Ang mga recruits ay dapat kalalakihang Katoliko, nasa edad 19 hanggang 30 na nakapagtapos ng kanilang mandatory Swiss military service; lalagda sila ng hindi bababa sa dalawang taon. Ang puwersa sa kasalukuyan ay mayroong 110 kalalakihan. Ang recruits ay sasali sa ranggo sa magarbong swearing-in ceremony sa apostolic palace ng Vatican. Ang bawat bagong guard ay hahawak sa corps’ flag, itataas ang tatlong daliri bilang simbolo ng Holy Trinity at manunumpang paninindigan ang sumpa ng Swiss Guard na protektahan ang papa at ang kanyang kahalili. Ang seremonya ay isinasagawa tuwing Mayo 6 bilang paggunita sa Sack of Rome.


MGA TUNGKULIN:

Ang hukbo ay nagkakaloob ng ceremonial duty at umaasiste sa Vatican functions. Ang guards, armado ng halberds, ay nakaw-pansin sa Vatican at kabilang sa mga paboritong kunan ng litrato ng mga turista. Hindi pa sila naipatawag sa military duty sa mga nakalipas na siglo. Ngunit ilang Swiss Guards na hindi nakauniporme ang sumasabay sa eroplano ng papa sa mga pagbiyahe nito sa buong mundo para bigyan siya ng seguridad. Pagkatapos ng tangkang pagpaslang kay Pope John Paul II noong 1981, pinatindi pa ng Vatican ang bodyguard training para sa guards — kabilang ang instruction sa unarmed combat at small arms.


MAKUKULAY NA KASUOTAN:

Ang kasalukuyang Renaissance-style uniform na blue, red, orange at yellow stripes ay dinisenyo noong unang bahagi ng 1900s ng Commandant Jules Repond, na naging inspirasyon ang mga kulay sa frescoes ni Raphael. Ang headgear para sa karaniwan duties ay black beret, habang ang crimson-plumed helmets ay nirereserba sa mga espesyal na okasyon gaya ng official visits, swearing-in ceremonies — at, sa papal retirement.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/ang-swiss-guards-ng-vatican/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!