Friday, March 1, 2013

Batas sa biometric registration, nilagdaan

Ganap nang batas ang biometrics registration na magsisilbing daan upang malinis at maisaayos ang talaan ng lahat ng botante sa bansa.


Pinagtibay ng Kamara at Senado, nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang Biometrics Registration Act na matagal nang hinihintay ni Commission on Election Commissioner Sixto Brillantes.



Ang panukala ay niratipikahan sa Senado at sa Mababang Kapulungan sa isang bicameral conference committee matapos mapagkasundo ang mga bersiyon ng HB 3469 at SB 1030 bago ito ipinadala sa tanggapan ng Pangulo.


Sa nakaraang pagdinig na ginawa ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Rep. Elpidio Barzaga, Jr. (Lone District, Dasmariñas City), sinabi ni Brillantes na sa 52 milyong rehistradong botante, nasa siyam na milyon ang hindi pa nagsusumite ng kanilang biometrics.


Ang bagong batas ay tatawaging An Act Providing for Mandatory Biometrics Voter Registration, na naglalayong magtatag ng isang malinis, kumpleto, permanente at updated na talaan ng mga botante sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ng biometrics.


Samantala, ang mga rehistradong botante na hindi pa nakapagsusumite ng biometrics ay kailangang magtungo sa kanilang City o Municipal Election Officers upang maisaayos ito. – Bert de Guzman





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/batas-sa-biometric-registration-nilagdaan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment