Friday, March 1, 2013

Pope Emeritus Benedict XVI, ordinaryong pilgrim na; nagpasalamat sa suporta

Idineklara na ng Simbahang Katoliko na ‘sede vacante’ o bakante na ang posisyon ng Papa nang ganap na bumaba na sa puwesto si Pope Emeritus Benedict XVI dakong 8:00 ng gabi (oras sa Roma o 3:00 ng madaling araw noong Biyernes sa Pilipinas).



Nabatid na isang oras bago ang pagbaba sa puwesto ay inihatid ng isang helicopter mula sa Vatican si Pope Emeritus Benedict XVI sa Castel Gandolfo na siyang Papal summer residence kung saan ay sinalubong siya ng mga tagasunod.


Kaagad namang dumungaw ang Papa sa balkonahe para batiin ang mga nag-aabang sa kanya.


Sa kanyang maigsing mensahe, nagpasalamat ang Papa sa lahat ng nagdasal at sumuporta sa kanya hanggang sa pagbibitiw niya sa puwesto. Aniya, isa lamang siyang ordinaryong pilgrim na nasa huling bahagi na ng kanyang paglalakbay.


Nangako rin ito na patuloy na ipagdarasal ang Simbahang Katoliko at susunod at magiging tapat sa bagong Papa.


“Dear friends, I’m happy to be with you, surrounded by the beauty of creation and your well-wishes which do me such good. Thank you for your friendship, and your affection. You know this day is different for me than the preceding ones: I am no longer the Supreme Pontiff of the Catholic Church, or I will be until 8 o’clock this evening and then no more,” pahayag ng Papa.


“I am simply a pilgrim beginning the last leg of his pilgrimage on this Earth. But I would still … thank you … I would still with my heart, with my love, with my prayers, with my reflection, and with all my inner strength, like to work for the common good and the good of the church and of humanity. I feel very supported by your sympathy,” bahagi pa ng kanyang mensahe.


“Let us go forward with the Lord for the good of the Church and the world. Thank you, I now whole-heartedly impart my blessing. Blessed be God Almighty, Father, Son and Holy Spirit. Good night! Thank you all!” giit pa nito.


Pagsapit ng 8:00 ng gabi noong Huwebes, umalis naman mula sa Castel Gandolfo para bumalik sa Vatican ang mga Swiss guard na nagbabantay sa Papa upang hintayin ang paghirang sa susunod na Supreme Pontiff.


Nabatid na si Cardinal Tarcisio Bertone ng Italy ang itinalagang Camerlengo o Chamberlain na pansamantalang mamumuno sa Simbahang Katoliko hanggang sa makapaghalal ng bagong Papa ang College of Cardinals sa isasagawang Conclave.


Siya rin ang inaasahang mangangasiwa sa pagbasag ng fisherman’s ring ng dating Papa.


Mapananatili naman ng dating Papa ang “Benedict XVI” sa pangalan nito ngunit tatawagin na siyang Pope Emeritus.


Ang pagbibitiw ng Papa ay una sa loob ng 600 taon.


Sinabi ng 85-anyos na Pope Emeritus na hindi na niya kaya pang gampanan ang kanyang tungkulin dahil sa kanyang katandaan, sanhi upang magpasya siyang bumaba na sa puwesto.


Iginiit rin nito na naging mahirap ang kanyang pasya ngunit ito umano ay para sa ikabubuti ng buong Simbahang Katoliko.


Umaasa naman ang mga Katoliko na bago sumapit ang Palm Sunday ay mahihirang na ng mga Cardinal ang susunod na bagong Papa. – Mary Ann Santiago





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/pope-emeritus-benedict-xvi-ordinaryong-pilgrim-na-nagpasalamat-sa-suporta/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment