Friday, March 1, 2013

Ang Swiss Guards ng Vatican

VATICAN CITY (AP) — Sa kanilang plumed helmets at striped uniforms, ang Swiss Guards ay isa sa pinakamamahal na tradisyon ng Vatican — at noong Huwebes gumanap sila ng malaking papel sa makasaysayang pagbibitiw ng papa. Sila ang nakabantay sa pagdating ng papa sakay ng helicopter sa kanyang summer retreat sa mga huling sandali bilang papa. Ang kanilang pag-alis sa duty, ang naging isa sa pinakamalinaw na tanda na hindi na papa si Benedict XVI. Narito ang pagsilip sa Swiss Guards at sa kanilang makulay na kasaysayan.


PINAGMULAN:

Ang hukbo, na itinuturing ng ilang historians na oldest standing army in the world, ay itinatag noong 1506 ni Pope Giulio II. Ayon sa tradisyon, humanga ang papa sa katapangan ng Swiss mercenaries at inalok niya sila na depensahan ang Vatican. Simula noon, sa loob ng mahigit 500 taon, ang Switzerland ay patuloy na nagsusuplay ng mga sundalo sa Vatican. Ang Swiss Guards ay pinapasumpang ibubuwis ang kanilang buhay para protektahan ang papa — at sa mga nakalipas na siglo, ginawa nila ito. Noong 1527, nasawi ang 147 sa kanila sa pagpoprotekta kay Pope Clement VII habang itinatakas siya nang salakayin ng tropa ni Emperor Charles V ang Rome.


ANG GUARDS AT SI BENEDICT:

Ang Swiss Guards ay naging center stage nang si Benedict ay naging unang papang nagbitiw sa loob ng 600 taon. Sila ang sumalubong kay Benedict sa papal residence sa Castel Gandolfo sa timog ng Rome. At pagsapit ng 8 p.m., nagsara ang mga pintuan ng palazzo at umalis na ang Swiss Guards, senyales na natapos na ang kanilang tungkulin para protektahan ang lider ng Simbahang Katoliko — hanggang sa maihalal ang bagong papa. Si Benedict ay poprotektahan na ngayon ng Vatican police. “We are closing the door very symbolically for the end of the pontificate,” sabi ni Swiss Guard Cpl. Urs Breitenmoser.


PANGANGALAP:

Ang mga recruits ay dapat kalalakihang Katoliko, nasa edad 19 hanggang 30 na nakapagtapos ng kanilang mandatory Swiss military service; lalagda sila ng hindi bababa sa dalawang taon. Ang puwersa sa kasalukuyan ay mayroong 110 kalalakihan. Ang recruits ay sasali sa ranggo sa magarbong swearing-in ceremony sa apostolic palace ng Vatican. Ang bawat bagong guard ay hahawak sa corps’ flag, itataas ang tatlong daliri bilang simbolo ng Holy Trinity at manunumpang paninindigan ang sumpa ng Swiss Guard na protektahan ang papa at ang kanyang kahalili. Ang seremonya ay isinasagawa tuwing Mayo 6 bilang paggunita sa Sack of Rome.


MGA TUNGKULIN:

Ang hukbo ay nagkakaloob ng ceremonial duty at umaasiste sa Vatican functions. Ang guards, armado ng halberds, ay nakaw-pansin sa Vatican at kabilang sa mga paboritong kunan ng litrato ng mga turista. Hindi pa sila naipatawag sa military duty sa mga nakalipas na siglo. Ngunit ilang Swiss Guards na hindi nakauniporme ang sumasabay sa eroplano ng papa sa mga pagbiyahe nito sa buong mundo para bigyan siya ng seguridad. Pagkatapos ng tangkang pagpaslang kay Pope John Paul II noong 1981, pinatindi pa ng Vatican ang bodyguard training para sa guards — kabilang ang instruction sa unarmed combat at small arms.


MAKUKULAY NA KASUOTAN:

Ang kasalukuyang Renaissance-style uniform na blue, red, orange at yellow stripes ay dinisenyo noong unang bahagi ng 1900s ng Commandant Jules Repond, na naging inspirasyon ang mga kulay sa frescoes ni Raphael. Ang headgear para sa karaniwan duties ay black beret, habang ang crimson-plumed helmets ay nirereserba sa mga espesyal na okasyon gaya ng official visits, swearing-in ceremonies — at, sa papal retirement.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/ang-swiss-guards-ng-vatican/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment