Dismayado ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagdami ng mga batang hindi makakapagaral ngayong pasukan at sinisi ang pamahalaan dahil sa kabiguang ito.
Ayon kay Father Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng CBCP, tungkulin ng gobyerno na bigyan ng oportunidad na makapag-aral ang sinuman para makapag-aral ngunit hindi naman umano ito nagagampanan ng gobyerno.
Binigyang-diin ni Gariguez na ang edukasyon ay hindi lamang para sa mga mayayaman kundi para sa lahat subalit taliwas naman aniya ito sa mga nangyayari dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga out-ofschool youth bunsod ng kahirapan at kabiguan ng pamahalaan na itaguyod ang kanilang pag-aaral.
“Talagang kinikilala natin yung responsibilidad ng gobyerno na magbigay ng batayang serbisyo sa mamamayan kasama na dito yung housing at edukasyon. Hindi tama na ang pag-aaral o oportunidad sa pag-aaral ay para lamang sa may pera, dapat ito ay karapatan na dapat magmula sa estado na gawin na ang edukasyon ay para sa lahat lalo na sa mahihirap. Kaya kung ganito ang sitwasyon na marami ang hindi makapag-aral dahil sila ay mahirap ay may pagkukulang ang pamahalan at nakakahiya at nakakalungkot na umuunlad daw ang ekonomiya ng bansa at nagpapautang tayo sa ibang bansa samantalang tayo mismo ay walang naibigay na serbisyo sa mamamayan at ito nga ang batayang serbisyo sa edukasyon,“ paliwanag ni Gariguez, sa Radio Veritas. – Mary Ann Santiago
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/batang-hindi-nag-aaral-dumarami/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment